German Moreno, nagulat nang kantahan ni Nora Aunor

German Moreno, nagulat nang kantahan ni Nora Aunor

German-Moreno-Nora-AunorNAGDIWANG NG kanyang 84th birthday si German Moreno sa Walang Tulugan With The Master Showman na napapanood every Saturday evening sa GMA 7.

Sabi nga ng mga super close kay Kuya Germs na mawala na ang lahat pero huwag lang si Nora Aunor na dekada na rin ang kanilang pinagsamahan.

Ikinagulat at siyempre ikinatuwa ni Kuya Germs nang kantahan siya ng Superstar ng Happy Birthday song kahit na may problema pa rin ito sa kanyang lalamunan.

Ang maganda pa sa pagdating at pagbati ni Ate Guy kay Kuya Germs ay nagkita na rin sa wakas ang dating magkaibigan, pero nagkaroon ng lamat sa studio na pinagdausan ng show, sina Aster Amoyo at Superstar.

‘Di ba si Aster ang sinasabing nagdala at humimok daw diumano kay Ate Guy na “ipagamot” ng Superstar ang lalamunan nito pero sa hindi inaasahan pangyayari ay nawalan ng boses ang nag-iisang Nora Aunor matapos ang ginawang surgery sa kanyang lalamunan.

Anyway, sa kaunaunahang pagkakataon matapos ang nangyaring hindi maganda sa dalawa ay nagkita ang mga ito dahil- may segment si Aster sa Walang Tulugan ni Kuya Germs.

Pumayag na rin si Ate Guy na magpa-interview kay Aster at nang matapos ay okey na uli ang dalawa na parang walang nangyaring tampuhan.

Ibinalita naman ni Kuya Germs na nagbabalik si Ate Guy sa Kapuso Network at magbibida raw ito sa Little Mommy at lalabas din daw sa Magpakailanman.

Bukod kay Ate Guy, dumalo rin sa birthday ni Kuya Germs si Iza Calzado dahil ang namayapa niyang daddy na si Lito Calzado ay matagal din naging director ng Walang Tulugan.

Welcome ang lahat ng artista sa TV show ni Kuya Germs dahil walang TV war sa Master Showman kaya dumating at welcome din si Martin Nievera nang dumating ito para batiin ang birthday celebrant.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo