German Moreno, nagagawa nang makapamasyal

German Moreno, nagagawa nang makapamasyal

1 German-MorenoGOING STRONG na raw ang nag-iisang Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno pagkatapos nitong ma-mild stroke kamakailan.
Tsika nga ng sekretarya nitong si Tita Chuchie Fajardo, mabilis daw ang recovery nito at lumalabas-labas na rin daw si Kuya Germs at namamasyal kasama sila.
Kuwento nga nito, “Sinasamahan namin si Kuya Germs na lumabas-labas at mamasyal. Nagagawa na niyang maglakad at sumakay sa kanyang sasakayan. Pero kailangang alalayan lang, pero kaya na niya.
“Tapos nu’ng namasyal kami sa Harbor View Resto sa Roxas Boulevard, naka-wheelchair lang siya. ‘Yun kasi ang paborito niyang kainang restaurant. Kasama namin sina Joey Abacan (GMA Films), Tracy (GMA Artist Center), pamangkin niyang si John Nite, Freddie (son of Kuya Germs), at Carmelites (other secretary of Kuya Germs), at ‘yung dalawa niyang nurse.
“Kumain lang du’n at nagkuwentuhan, para nakalalabas-labas at nakapapamasyal na rin siya,” pagtatapos ni Tita Chuchie.

Teejay-MarquezTeejay Marquez, proud na napiling Gawad Kabataan ambassador


MASAYA RAW
at proud ang teen actor na si Teejay Marquez dahil napili siya para maging Gawad Kabataan Ambassador ng SMAC TV Productions.
Tsika nga nito, “Thankful ako sa SMAC TV Productions kasi kinuha nila ako para maging ambassador ng Gawad Kabataan.
Kung saan pumupunta kami sa iba’t ibang lugar at nagbibigay-tulong sa mga kabataang katulad namin na salat sa maraming bagay at nangangailangan ng tulong. Like ‘yung mga hindi makapag-aral na gusto talagang mag aral.
“Tinutulungan kami ng DepEd para makahanap kami ng mga kabataan na nangangailangan talaga ng tulong. Ito na rin ‘yung simpleng paraan ko para maibalik ko ang pasasalamat sa Diyos sa dami ng mga magagandang blessings na binibigay niya sa akin,” pagtatapos ni Teejay.
Joel-CruzJoel Cruz, masaya sa pagkakaroon ng mapagmahal na pamilya at kambal na anak

WALA NA raw mahihiling pa sa kanyang kaarawan last February 5 ang tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz, ang CEO/President ng Aficionado Germany Perfume.
Isang magandang regalo na raw para sa mabait at very generous na si Sir Joel ang kanyang mapagmahal na ina at mga kapatid, matagumpay na negosyo, at ang pagkakaroon ng kambal na anak na sina Prince at Princess.
Ang kanyang kambal daw na anak ang kumumpleto ng kanyang buhay at nagbibigay-inspirasyon sa kanyang ginagawa sa pang araw-araw.

John’s Point
by John Fontanilla