German Moreno, magpupuyat na naman

German Moreno, magpupuyat na naman

German-MorenoNAPANOOD NAMIN last Saturday ang Master Showman ni Kuya Germs. Mula nang mawala siya sa show at namahinga saglit dahil sa kanyang mild-stroke may lamlam na ang show. Hindi makuha ng pamangkin ni John Nite ang istilo ni Kuya Germs kung papaano niya aliwin ang Sabado ng gabi namin sa panonood ng kanyang palabas.

Sa kanyang social media account, may posting si Kuya Germs ng kanyang picture na nakakaway at super ngiti at may caption na nagpapasalamat siya sa mga dasal at mga nagdarasal sa kanyang mabilis na recovery.

Sa katunayan, sabik na si Kuya Germs na humarap sa kamera sa kanyang weekly show sa Kapuso Network at ang pag-iikot sa mga showbiz presscon, kung saan may allotment talaga ang mga movie production para sa kanya para ma-interview exclusively ang mga artista at bida ng pelikula.

Sa pagbabalik-showbiz ni Kuya Germs, ‘di ko lang alam kung magagawa pa niyang magpuyat para sa taping ng show niya na nagsisimula late afternoon ng Friday na natatapos early morning ng Saturday the following day. Ewan ko rin kung ang dapat sana’y lihim na itinago sa kanya na nagbawas ng mga talents ang kanyang show ay nakarating na sa kanya.

Mensahe ng Master Showman at showbiz icon, “Malapit na akong bumalik. Ang aking pasasalamat sa inyong lahat at sa mga taong nagmamahal sa akin. I miss all of you. I love you all. Walaaaaang Tulugan!”

Reyted K
By RK VillaCorta