German Moreno, kailangan ng maraming tulog

German Moreno, kailangan ng maraming tulog

German-MorenoMARAMI ANG nagulat sa lumabas na balitang isinugod sa St. Luke’s hospital si Kuya Germs dahil sa nagka-mild stroke daw ito.

Marami ang nabahala kaya nagpa-follow up sila sa mga taga-Startalk para kumustahin na ang kalagayan ng Master Showman.

Ang latest na nakuha naming balita, medyo okay na raw si Kuya Germs dahil nakakakain na raw ito.

Baka ngayong araw na ito ay puwede na raw siyang makalabas sa Acute Stroke Unit at ilalagay na siya sa regular room. Pero hindi pa siya puwedeng tumanggap ng bisita. Kailangan talaga ni Kuya Germs ng sapat na pahinga.

Kaya nga sabi ko sa Startalk, dapat na matulog muna si Kuya Germs, dahil kailangan niya ng pahinga.

Palagay ko sobrang napagod ‘yan sa countdown ng GMA 7 na talagang tinapos niya. Hindi rin daw kasi natatahimik si Kuya Germs sa bahay, gustung-gusto raw talaga niyang magtrabaho nang magtrabaho.

Hindi pa yata puwedeng mag-taping si Kuya Germs ng Walang Tulugan dahil kailangan ng complete rest. Medyo may slur pa raw itong magsalita at hindi pa niya gaanong nagagalaw ang kanang kamay niya. Kaya kailangan talaga ni Kuya Germs ng maraming tulog. Pagaling ka agad Kuya Germs, at sa susunod bawasan na niya talaga ang trabaho niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis