German Moreno, ipagpapatuloy ang therapy sa Amerika

German Moreno, ipagpapatuloy ang therapy sa Amerika

German-MorenoSA PAGDAAN ng mga araw ay patuloy na gumaganda ang lagay ng nag-iisang Master Showman na si German Moreno na ngayon ay nasa private room na ng St. Luke’s Hospital sa E. Rodriguez, QC dahil na rin sa pagkaka-mild stroke.
At kapag mas umigi pa nga raw ang lagay nito at kaya nang bumiyahe ay ipagpapatuloy daw ang theraphy nito sa Amerika nang sa gayon ay mas maging mabilis ang recovery nito.
At habang nagpapagaling pa si Kuya Germs, tuluy-tuloy pa rin ang radio program nito sa DZBB, Monday-Friday, 2:30-3:30 pm, kung saan pansamantalang humalili si Totie, kasama pa rina sina Mega Ohlala at Johna Chuchu, ang Diva Dingdings ni Kuya Germs.
At maging ang kanyang Saturday midnight show na Walang Tulugan With The Master Showman ay diretso pa rin ang pagpapalabas, kung saan ang pamangkin nitong si John Nite ang nagsisilbing main host, kasama ang buong pamilya ng Walang Tulugan.

John’s Point
by John Fontanilla