German Moreno, ‘di p’wedeng makabalita ng tungkol sa showbiz

German Moreno, ‘di p’wedeng makabalita ng tungkol sa showbiz

1 German-MorenoMAHAL TALAGA ng showbiz si German Moreno, kaya naman sa bawat pagtitipon ngayon na may kinalaman sa mga artista ay hindi nawawala ang mahabang oras na siya ay mapag-usapan kung kumusta na ba siya sa ngayon? Malaki naman daw ang nagiging improvement ni Kuya Germs, wika ng kanyang mga kaibigan na nakaaalam ng kanyang kundisyon sa ngayon. Medyo nababahala lang daw ang pamilya ng Master Showman, dahil nagtatanong na siya tungkol sa showbiz.

Sobrang iniingatan ngayon ng kanyang mga kaananak si Kuya Germs, dahil ang gusto nila ay tuluyang maka-recover ang komedyanteng TV host. Ayaw raw muna nila na makababalita si Moreno ng tungkol sa kung anu-anong may kinalaman sa mga artista na puwedeng isipin pa niya. Halata raw kasi sa ngayon na gusto talagang gumaling ng host ng Walang Tulugan With The Master Showman ng GMA-7, para muling gawin ang mga dati niyang pinagkakaabalahan sa showbiz.

Kuwento nga ng isang malapit na kaibigan ni Kuya Germs, ay si Nora Aunor ang isa sa huling gustong isaayos ng Master Showman ngayong natapos na nga ang kontrata ng Superstar sa TV5. Mayroon nang mga taong kinakausap si Kuya Germs bago siya nagkaroon ng mild stroke, para iyon sa mga plano niya sa career ng mommy ni Ian de Leon.

ChorBA!
by Melchor Bautista