German Moreno, balik-TV at radyo na sa Marso

German Moreno, balik-TV at radyo na sa Marso

German-MorenoMARAMI ANG nasorpresa sa biglang pagpasyal ni German “Kuya Germs” Moreno sa DZBB 594 sa mismong radio program niya na Walang Siyesta last February 18, 2:30 ng hapon.
Ito ang kauna-unahang pagbisita ni Kuya Germs sa DZBB since nagkasakit ito at kahit nga inaalalayan pa ito sa kanyang paglalakad ay nakikitang unti-unti nang bumabalik ang dati nitong sigla.
Positibo ngang palakas na nang palakas si Kuya Germs habang dumadaan ang mga araw. Bahagi nga ng naging pahayag ni Kuya Germs ay ang nalalapit niyang pagbabalik sa kanyang radio at TV program na naging dahilan ng kasiyahan ng kanyang avid listeners.
Ani Kuya Germs, “By March, babalik na ako sa radyo at sa Walang Tulugan, abangan na lang nila kung anong date at araw. Basta sosorpresahin ko na lang sila. Bigla na lang nila akong maririnig sa radio program ko at sa Walang Tulugan.”

 

John’s Point
by John Fontanilla