German Moreno, balik na sa kanyang radio program

German Moreno, balik na sa kanyang radio program

John-Fontanilla-German-MorenoBUMALIK NA sa kanyang radio program sa DZBB 594 Walang Siyesta last April 6, 2015 ang nag-iisang Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno pagkatapos ng ilang buwan nitong pagpapahinga dahil sa stroke.
At ngayong magaling-galing na ito, ready na muling mag-radio. Tsika nga ni Kuya Germs, “Ready na akong mag-radio, matagal-tagal ko ring na-miss ang mag-radio.
“Marami rin ang nagtatanong sa akin kung kailan daw ba ako babalik sa radio, kaya ‘eto, I’m back!” Nakangiting pahayag ni Kuya Germs.
“Pero bago naman ako bumalik, nagpo-phonepatch ako lagi, kaya napakikinggan pa rin ako. Pero iba pa rin ‘yung nasa loob ka talaga ng radio booth. Kaya nu’ng kaya ko na, nag-radio na ulit ako.
“Pero tuluy-tuloy rin ‘yung medication at theraphy ko, para mas mapabilis ang recovery,” ani Kuya Germs.

Sylvia Sanchez, nag-enjoy nang mag laro sa Kapamilya Deal Or No Deal

Sylvia-SanchezNAG-ENJOY NANG husto sa kanyang guesting sa Kapamilya Deal Or No Deal ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez na patuloy ang pagpayat na mas bumagay naman sa kanya.
Tsika nga ni Ms. Sylvia na iba raw pala ang pakiramdam na may halong kaba at excitement kapag napabilang ka para maglaro.
Sa ngayon daw ay naghihintay na lang ng bagong proyekto si Ms. Sylvia at habang naghihintay ay busy ito sa paggi-guest sa iba’t ibang shows ng ABS-CBN.

John’s Point
by John Fontanilla