German Moreno, ayaw magpabastos kay Vice Ganda

ADVERTISING

German Moreno, ayaw magpabastos kay Vice Ganda

German-MorenoPUMAYAG SI German Moreno mag-guest sa show ni Vice Ganda sa ABS CBN. Thursday, October 2, ang taping nila pero bago ang lahat ay sinabihan ni Kuya Germs si Vice na walang bastusang mangyayari sa show na Gandang Gabi Vice na mapapanood sa Sunday kung walang magiging aberya sa dalawang panig.

‘Di ba kilalang Kapuso si Kuya Germs. Paano na lang ang magiging reaction ng mga big bosses ng GMA 7 na lalabas ito sa kalabang network?

“Wala naman naging problema, humingi ako ng permiso kay Atty Gozon. Pinayagan naman ako. Basta walang mangyayaring bastusan sa show. Umokey naman sila,” say ni Kuya Germs nang makausap namin sa grand launching ng Bet ng Bayan hosted by Regine Velasquez-Alcasid at Alden Richards na magsisimulang umere sa October 5, every Sunday, 9:40-10:40pm sa GMA 7.

Samantalang sinabi rin ni Kuya Germs na pumirma na rin ng 3 three years guaranteed contract si Jake Vargas sa GMA 7.

ADVERTISING

“Eversince naman nang maging Kapuso si Jake ay wala itong kontrata. Sabi ko naman sa network ay magiging loyal ito kahit walang contract,” say pa ni Kuya Germs.

Tuloy na rin raw ang pagbibigay ni Kuya Germs ng karangalan sa mga artista na karapat-dapat malagay sa Walk of Fame na kanyang project sa December 1. Malalagay na rin sa Walk of Fame ang mga pangalan nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Allan K, Vice Ganda, Tony Ferrer, Chanda Romero, Willie Revillame, atbp.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING