Gerald Santos, sobra-sobra ang pasasalamat sa dami ng dumarating na blessings

ADVERTISING

Gerald Santos, sobra-sobra ang pasasalamat sa dami ng dumarating na blessings

Gerald Santos
Gerald Santos

Malaki raw ang dapat ipagpasalamat sa Diyos ng mahusay na singer/ theater actor at ngayon ay meron na ring launching movie na si Gerald Santos sa dami ng blessings na dumarating sa kanya.

Ayon nga kay Gerald Santos, “Nagpapasalamat po ako, kasi ‘yun nga po, na-bless po ako ni God ng maraming blessings ngayong taon. At isa nga rito ang pagkakaroon ko ng aking launching film na ‘Memory Channel’.

“Sana po panoorin ng mga tao, kasi punum-puno ng aral ‘yung movie namin, bukod sa maganda ang casting, kasi nandyan si Kuya Epi (Quizon), Michelle Vito, atbp.

“Kayo na lang bahala kung pa’no n’yo iri-rate ‘yung acting ko rito, pero ibinigay ko talaga ‘yung lahat ng kaya kong ibigay.”

ADVERTISING

Bukod nga sa nasabing pelikula, magkakaroon dito ito ng malaking concert ngayong taon na gaganapin sa SM North Edsa Skydome.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING