Gerald Santos, hubad kung hubad sa pelikula

ADVERTISING

Gerald Santos, hubad kung hubad sa pelikula

Gerald-SantosHANDA NA raw magpakita ng konting skin or magtalop sa telerserye or indie film ang Prince of Ballad na si Gerald Santos. Kaya naman daw sa kanyang konsiyerto ngayong June 28 sa SM North Edsa Skydome, may konting patingin ng kanyang paghuhubad ang magaling na singer.

“Depende siguro sa script , director at makakasama ko. Kasi first time kong gagawin na magpapaka-daring sa pelikula. So, kailangang sure ako sa lahat ng bagay. Kailangang maganda ‘yung script, magaling ‘yung director, kailangang mahusay ‘yung mga makakasama ko para maganda ‘yung kalabasan ng pelikulang gagawin ko. Kung pang-award naman ‘yung pelikula at maipalalabas sa international, why not? I’m willing to take the risk.”

How daring? “Siguro dahil baguhan ako, kaya ko nang mag-topless, naka skimpy shorts o mas daring pa du’n. Let’s see ‘pag nandu’n na ako.

Pero if ever na papapiliin ako ng makakasama sa mga daring scene, gusto ko si Maja Salavador, maganda kasi siya at magaling umarte bukod sa type ko talaga siya. Hahaha! Pagtatapos ni Gerald.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING