Gerald Anderson wanted Kim Chiu back: Kim Chiu doesn’t want anymore!

ADVERTISING

Gerald Anderson wanted Kim Chiu back: Kim Chiu doesn’t want anymore!

 

ADVERTISING

Gerald Anderson wanted Kim Chiu back: Kim Chiu doesn’t want anymore! PARANG TOTOO NGA yata ang naitsika sa aming nagbalik ang pagmamahal ni Gerald Anderson kay Kim Chiu.

Kasi naman, inamin ni Gerald na naapektuhan siya nang matsismis na balak ligawan ni Simon Atkins si Kim. Parang na-threaten ang actor nang malaman niyang nagkakausap at nagte-text sa isa’t isa sina Kim at Simon.

Si Simon ang basketball player na nagpahayag sa Twitter na gusto niyang makilala nang husto si Kim. Ang parang tumatayong tulay niya ay ang make-up artist ni Kim.

ADVERTISING

Somebody told us na noong nakipaghiwalay si Gerald kay Bea ay na-realize ng binata na si Kim ang babae para sa kanya. But it was too late, ayaw na ni Kim sa kanya.

He tried to be friendly again with Kim but sad to say, hindi na niya naibalik ang dating closeness nila.

 

KRIS AQUINO REFUSED to comment on the rumored romance between her former husband James Yap and YouTube sensation Marie Digby.

Kahit na ano’ng pilit sa TV host-actress na mag-comment ay talagang hindi niya ginawa. Pinanindigan niyang ‘wag magsalita tungkol sa issue.

Interestingly, panay naman ang daldal ni Kris nang siya ay tanungin tungkol kay Senator Chiz Escudero. Talagang nagsalita siya at sinabing nagtataka siya kung bakit sila natsitsismis na dalawa.

Anyway, ang bottomline, magge-guest si Senator Chiz sa talk show ni Kris very, very soon. At kukunan pa ang interview sa Bicol.

Kris knows how to play her card well. Siyempre nga naman, part of her past na si James kaya naman hindi na siya puwedeng pag-usapan lalo pa’t may nakabinbin silang kaso sa korte.

With Senator Chiz, interesting ang magiging scenario lalo pa’t very vocal naman si Kris sa pagsasabing she wants to try politics in the future.

Iniiwasan ni Senator Chiz na sumagot sa mga personal questions lately. Let’s see if Kris will muster enough guts to make him answer questions that have been hounding him for more than two months na.

 

BLIND ITEM: HOW true na disappointed ang pamilya ng soon-to-be-husband ng isang personality?

When the marriage was being discussed daw kasi, the likeable personality initially suggested that they marry in a super exclusive resort in the country.

Kahit na medyo nakakalula ang gagastusin dahil na rin sa private plane pa ang gagamitin ng lahat ng bisita, pamilya ng couple at lahat ng kasama sa bridal entourage, ay napapayag na rin daw ang parents ng binata.

When all seemed to have already been settled, nag-change naman ang mind ng female celebrity. Now she wants to get married in Europe, an idea which to say the least, shocked the parents of her husband-to-be.

Kung malaking gastos na nga naman ang magpakasal sa ultra exclusive resort na ang bayad ay in dollars kesehodang nasa Pilipinas siya, higit na malaki ang gagastusin kung magpapakasal sila sa Europe. Imagine bringing the whole

entourage and the guests in Europe, sino ba ang hindi mababaliw sa gastos, ‘di ba?

Totoo kaya ito?

With this, the family raw of the groom-to-be were utterly disappointed. They never knew it would be coming to them.

The bride-to-be was even gifted a ring costing more than two million by her boyfriend. Her boyfriend’s mom naman reportedly gave her a designer bag na katulad ng bag na iniregalo ng pambansang athlete sa madir niyang nag-birthday

kamakalina.Sosyal siya, ‘di ba?

The personality wants an engrandeng wedding. We’ll see if she’ll be lucky enough to get her wish.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING