Gerald Anderson, walang paki sa friendship nina Kim Chiu at Sarah Geronimo

ADVERTISING

Gerald Anderson, walang paki sa friendship nina Kim Chiu at Sarah Geronimo

Gerald Anderson, walang paki sa friendship nina Kim Chiu at Sarah GeronimoNAKORNER KAMAKAILAN si Gerald Anderson sa ginanap na 10th Golden Screen Awards for Television kung saan siya nanalong Outstanding Performance by an Actor in a Drama Series para sa kanyang mahusay na pagganap sa teleseryeng Budoy. Hindi na nakailag pa si Gerald sa mga matitinding hagupit ng mga intrigang walang habas na ibinato sa kanya ng press para sagutin.

Whether he likes it or not ay kakabit na ng kanyang pangalan ang pangalan ni Maja Salvador who is now being linked to him. Kasabay ng paglipad ng helicopter na inarkila diumano ni Gerald para sa Valentine’s date nilang dalawa sa Tagaytay ay lumipad din ang sari-saring balita tungkol dito sa apat na sulok ng showbiz. Pero tulad ng dati ay nanatiling tikom ang bibig ni Gerald about their supposed date.

Magkaganoon man ay nagbigay pa rin siya ng kanyang saloobin. “Alam ninyo iyong feeling na matagal na rin akong single. I found someone na gusto kong makasama, gusto kong mas makilala pa. Masaya ako ‘pag kasama ko siya, so bakit ko ipagkakait iyong sarili ko sa ganoon? Like I said, artista ako. Ang trabaho ko ay umakting pero ‘di itago ang relasyon ko.” He admitted that Maja is very special to him at katulad niya ay nakakatanggap din ito ng mga pagpuna. “We just have to be strong for each other,” he said.

Gerald gets hurt with all the intrigues being hurled at him. Tao lang naman kasi siya na umaaray kapag nasasaktan. “Kung ikaw ‘pag may nagsabi sa iyo nang masama, maaapektuhan ka talaga but kailangan ko ring tanggapin [kasi] ito iyong trabaho ko. Part [ito] ng trabaho ko.”

ADVERTISING

I could still remember what I told Gerald in one of my interviews with him on The Buzz. I told him that he is public. Kakabit ng kanyang karera, ng kanyang kasikatan, at ng kanyang pagiging aktor ang mga intriga. The moment he became public, everything about him became public. It’s both a curse and a blessing depending on how he views it.

Hiningan din ng komento si Gerald tungkol sa pagkikita nina Kim Chiu at Sarah Geronimo sa Finals Night ng Himig Handog P-Pop Love Songs. Ang pag-uusap at pagyayakapan ng dalawa ay mabilis na kumalat sa Instagram at ibang social networking sites. Ang simpleng pagkikitang ito ay na-ging malaking isyu dahil pareho silang na-link kay Gerald. “Wala na ako roon. Silang dalawa na lang tanungin ninyo. We should all be happy for each other,” sagot niya.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING