Gerald Anderson, two-timer kaya bine-break ng karelasyon?

ADVERTISING

Gerald Anderson, two-timer kaya bine-break ng karelasyon?

Gerald-AndersonTRABAHO LANG para kay Gerald Anderson ang muling pagsasama nila ng dalawang ex-girlfriends niyang sina Maja Salvador at Kim Chiu sa isang dance production number sa isang show ng Kapamilya Network kamakailan.

ADVERTISING

Kung maaalala pa, sa split-up ni Gerald kay Kim (na kung tama ang pagkakaalala namin ay first love siya ng dalaga), hindi nai-reveal kung ano ang reason ng paghihiwalay nila na nagwasak sa katauhan ng dalaga.

Lately na lang ni-reveal ni Kim na may thid party, o sa tuwirang salita ay nag-cheat ang binata sa kanya na ni-reveal na lang ng dalaga sa promo ng box-office movie nilang Etiquette For Mistresses.

Sa kaso naman nina Gerald at Maja, ang akala ng marami ay for good na’t mahal naman nila ang isa’t isa, pero kamukat- mukat mo, split na sila na for no explained reason na until now ay hindi pa rin naging malinaw sa media ang dahilan. Kung tatanungin mo si Maja, deadma lang ang dalaga at tatawanan nang kuntodo sabay iwas sa tanong. Si Gerald, hindi rin nagsasalita. In short, deadma at ang palusot na lang, “real gentleman” ito at ayaw nang pag-usapan.

ADVERTISING

Pero sa mga nakapanood sa dance performance ni Gerald with his two ex-girlfriends, halatang hindi solb ang ipinamalas ng binata na dati-rati’y todo-bigay. Magaling na dancer si Gerald, reason kung bakit naging back-up dancer siya dati ng aktor na si Joross Gamboa bago siya nakilala. Actually, isa ang binata sa mga artista natin na very sexy sumayaw at nagpe-perform.

Sa ngayon, after Maja, loveless ngayon ang binata (as far as I know). In short, walang ka-loving-loving. I just don’t know kung after Kim and Maja, ang tsismis na nasagap namin na double timer daw ang binata kaya nakadadalang mahalin. ‘Di ko alam kung may taga-showbiz pa kayang magmahal sa kanya.

Si Gerald na solo ngayon at walang love ay kasama nina Liza Soberano at Enrique Gil sa pelikulang Everyday I Love You ng Star Cinema showing na sa October 28.

I’m sure, may inggit factor si Gerald kay Quen nito, ‘pag nakita niya ang binata kung gaanop kamahal si Liza.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING