Gerald Anderson, tumatamlay ang career dahil kay Maja Salvador?!

ADVERTISING

Gerald Anderson, tumatamlay ang career dahil kay Maja Salvador?!

Gerald Anderson, tumatamlay ang career dahil kay Maja Salvador?!SPEAKING OF Gerald Anderson, ramdam kaya niyang tumatamlay ang career niya mula nang maging syota nito si Maja Salvador? Hindi nga naging maiinit ang pagtanggap ng publiko sa kanilang relasyon kahit inamin nila ito in public. Wala lang, sanay na kasi ang madlang pipol sa dalaga na papalit-palit ng boyfriend.

ADVERTISING

Ilan na nga ba ang naging dyowa ni Maja na taga-showbiz? Hindi na mabilang, huwag na nating isa-isahan baka mag-react si Gerald. Hayaan na lang natin sa dalaga manggaling kung ilang boylet ang inamin niya sa actor.

Hindi natin masisisi ang magulang ni Gerald kung hindi sila boto kay Maja para sa kanilang anak. Siyempre, may alam rin sila tungkol sa past relationship ng dalaga na hindi naman nagtatagal. Wala kang maitatago sa showbiz, sikreto mo’y mabubuyangyang na hindi mo alam.

At least, this time, ipinaglaban ni Gerald sa parents niya ang pagmamahal nito kay Maja. Ang tanong, hanggang kailan naman kaya tatagal ang kanilang relationship? Worth loving nga bang talaga si Ms. Maja Salvador?

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING