Gerald Anderson, to the rescue sa na-stroke na dating manager

ADVERTISING

Gerald Anderson, to the rescue sa na-stroke na dating manager

Gerald-AndersonNA-STROKE ANG dating manager nina Gerald Anderson at Martin del Rosario na si Jun Reyes. Dinala siya sa ICU last week at tumagal doon ng 4 na araw. Ngayon ay nasa regular room na siya ng Capitol Medical Hospital.

May pumutok na ugat sa ulo ni Jun na naging dahilan para pansamantalang ma-paralyze ang kanyang right body. Pero buti na lang at naka-recover na siya ngayon dahil sa gamot. To the rescue agad ang dati niyang talent na si Gerald sa pagkaka-ospital ni Jun. Ang balita namin, ang aktor ang sasagot ng hospital bills ni Jun.

How nice naman of Gerald. Kahit hindi na niya manager si Jun ay meron pa rin itong matinding malasakit sa naka-discover sa kanya. Ganyan kabait ang aktor, huh! Bukod kasi kay Jun, marami pa kaming alam na natulungan ni Gerald na hangga’t maaari, ayaw niyang ipaalam sa media.

‘Yung iba kasing talent, kapag sumikat na at nawala na sa poder ng discoverer at dati nilang manager, karamihan ay wala na ring pakialam. May mga kilala kaming ganito, base na rin sa personal naming experiences.

ADVERTISING

Pero si Gerald, ibang klase. Nakabibilib ang pagiging mabuting tao niya. May your tribe increase, Gerald. Isinasabuhay mo talaga ang pagiging “angel” ng teleserye mong Nathaniel na patuloy na namamayagpag sa ere.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING