Gerald Anderson, taga-Cebu ang third party sa hiwalayan nila ni Maja Salvador?

Gerald Anderson, taga-Cebu ang third party sa hiwalayan nila ni Maja Salvador?

Gerald-AndersonKALOKA ANG balita galing from the south dahil taga-roon diumano ang sinasabing third party sa break-up nina Maja Salvador at Gerald Anderson.

‘Di nga ba’t mga pipi sina Maja at Gerald sa split-up nila, na pati ang nananahimik na si Janice de Belen ay nasabit pa sa isyu? Recently lang naman nagsalita ang dating magkarelasyon na ang aktres who played mother to Gerald sa teleseryeng Budoy is not the reason ng paghihiwalay ng aktor at ng karelasyon niyang aktres.

Maging si Maja, noong una, siya ang napagbintangang may third party sa hiwalayan nila ng boyfriend, na ang pananahimik ay sakto lang para huwag umimik at kusang mamatay ang usap-usapan na may involve na ibang tao.

Ewan ko kung paniniwalaan ko ang tsismis, na ang taga-Cebu na sinasabing third party sa hiwalayan ni Maja at Gerald ay may initial na WQ na isa sa mayayamang pamilya sa Queen City of the South. Ang balita, na-in love daw ito sa young actor na diumano ay palagiang nagpapadala ng bunch of roses kay WQ, reason kung bakit maloka-loka ang hitad na pinagbibintangang third party.

Si WQ ay minsan na ring na-link sa mga kilalang mga aktor. Basta ang type ni WQ ay mga guwapo at sikat na hindi naman malayo sa record ni WQ na si Gerald ay mapabilang sa mga nasa listahan niya na gusto niyang mahalin.

Kaloka ang buhay. Kung pwede nga lang ikuwento in complete details with names at identity nitong si WQ, hindi na masi-shock si JM at ang aktor-aktoran na matangkad at sandamakmak ang mga indie movies na hindi na naka-move on sa estado niya sa pagiging aktor-aktoran with an initial na AD, or even ang guwapong Inglisero na si TM ay nasa listahan ni WQ.

No wonder, kung tutoo ang tsika tungkol kay Gerald at kay WQ, hindi ako magtataka kung bakit hindi sineryoso ni Maja ang hiwalayan nila, na imbis mag-emote at humugot sa kanyang karanasan sa split-up ay ang ganda-ganda pa rin niya nang makausap namin sa presscon ng pelikulang You’re Still The One na palabas na sa darating na Wednesday (May 27).

Reyted K
By RK VillaCorta