Gerald Anderson, tablado kay Kim Chiu!

ADVERTISING

Gerald Anderson, tablado kay Kim Chiu!

Gerald Anderson, tablado kay Kim Chiu!TABLADO SI Gerald Anderson kay Kim Chiu.

ADVERTISING

Ang feeling namin ay nagpakatotoo si Kim when she said in an interview na hindi niya panonoorin ang On The Job movie ni Gerald.

One, hindi niya feel makita ang kanyang ex-boyfriend.

Two, hindi pa rin niya nakakalimutan ang pain na idinulot ng young Kapamilya actor sa kanya.

ADVERTISING

Talagang walang takot na sinabi ni Kim na hindi niya panonoorin ang movie ni Gerald, ha. Hindi Gerald Anderson, tablado kay Kim Chiu!man lang niya naisip na it might work against her ex-boyfriend, na people might also think na bitter pa rin siya until now sa nangyaring break-up nila ng actor.

Ang alibi nga pala ni Kim ay hindi niya feel ang action movies. Ang type kasi niya ay feel-good movies, ‘yung pelikulang masaya lang.

Naku, kung hindi feel panoorin ni Kim ang action movie ni Gerald, ma-take rin kaya niyang panoorin ang bagong soap opera nito with Cristine Reyes?

Sa palagay namin ay hindi rin. Para kasing anything that concerns Gerald ay ayaw ni Kim.

Tama ba kami, ‘day?

 

Mo Twister, ‘di kumbinsido sa pagsuko ng Napoles kay PNoy 

 

MUKHANG HINDI kumbinsido ang tactless na TV and radio host na si Mo Twister sa pag-surrender ni Janet Napoles kay PNoy.

Sa kanyang Twitter account kasi ay nagpatutsada si Mo na after lang sa limelight ang pamilya ni Kris Aquino at gusto lang nitong mapag-usapan kaya naman talagang highlighted ang pag-surrender ng controversial businesswoman sa kanya.

“Surrendered to the President. I guess the need to grab the spotlight & take credit runs in the family.Predicting big Kris showbiz issue soon,” tweet ni Mo.

Bakit kaya ganito ang feeling ni Mo sa Aquino family? Meron ba siyang galit kay Kris? Saan nagmumula ang kanyang sentiment?

Okay rin itong si Mo, ha? Kahit na nasa ibang bansa ay parang gusto pa ring maging kontrobersiyal sa kanyang mga mensahe sa kanyang Twitter account.

 

Loveteam, friends with benefits ang drama

 

BLIND ITEM: Riding on lang ang beauty ng isang aktres sa kanyang ka-love team na matagal nang natsitsismis na bading.

Friends with benefits kasi ang drama ng dalawa. Alam nilang hit ang kanilang love team kaya naman extra careful sila sa pagharap sa tao.

Pinapatunayan ng dalawa na they’re only after their career. Siyempre nga naman, merong silang bagong ino-offer sa kanilang fans.

Pero minsan, nawawala sa focus ang aktres. Minsan ay nakakalimot siya at hindi napag-aaralan ang kanyang kilos.

One time, during a TV guesting ay naloka raw ang actor na ka-love team ng aktres nang tawagin siyang bakla.

“Halika na, bakla,” kaswal na kaswal daw na sabi ng aktres sa kanyang kapareha dahil sila na ang susunod na isasalang sa live interview.

Bagama’t naloka ay hindi na lang nagpahalata ang actor, deadma na lang ang beauty niya.

Hindi rin naman siguro aware ang aktres sa kanyang salitang nabitawan.

So, tuloy ang pagpapanggap ng dalawa all for the sake of their love team.

Ang nagagawa nga naman ng pera!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING