Gerald Anderson-Sarah Geronimo romance part 2, malabo na!

ADVERTISING

Gerald Anderson-Sarah Geronimo romance part 2, malabo na!

Gerald Anderson-Sarah Geronimo romance part 2, malabo na!WALA NA sigurong pag-asa na magkaroon pa ng part two ang naudlot na romansa nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson.

Ang balita namin kasi ay meron nang bagong nililigawang babae si Gerald. Siguro ay naisip niyang wala nang second chance pa na maging sila uli ni Sarah.

Still on Gerald, malakas ang tilian ng fans nang kumanta ang binata sa Christmas Special ng Dos na ginanap sa Araneta Coliseum.

Lalo pang lumakas ang sigawan nang ipakita sa screen ang photo ni Kim Chiu while he was singing. With this ay talaga palang hoping pa rin ang Kim-Gerald fans na magkakasama pa rin ang dalawa kahit na sa telebisyon o sa movie lang.

ADVERTISING

But as it is, malabo pa itong mangyari since Gerald will be paired with Cristine Reyes in a soap and si Kim naman ay ipapareha kay Xian Lim sa isang movie.

 

JUSTIN BIEBER had it coming.

Matapos niyang bastusin si Manny Pacquiao sa kanyang mock-up Instagram photos ay hindi talaga siya tinigilan ng fans ni Pacman.

We saw a mock-up photo of Justin habang kinakabayo ng isang boxer sa Facebook. Ang daming nag-comment na bagay sa kanya ang pose na ‘yon. Ang dami talagang hanggang ngayon ay galit pa rin sa kanya.

Then, a short video of Justin na binato ng mineral water was reposted sa Facebook. Imagine, almost three years ago pa nangyari ‘yon pero dahil sa kanyang kabastusan kay Pacman ay muli iyong pinost.

The incident happened sa E 107.9 The End radio event.

This should not surprised the Canadian superstar dahil wala siyang modo.

A lot of Pinoys have also expressed their disappointment sa young singer na tila walang pakialam at talaga namang insensitive.

 

Gerald Anderson-Sarah Geronimo romance part 2, malabo na!JOEL CRUZ of Aficionado Germany Perfume recently had his house blessing sa kanyang sprawling mansion sa Canyon Woods Chapel.

Isinabay ito sa baptism ng kanyang kambal na sina Prince Sean and Princess Synne na ginanap sa Canyon Woods Clubhouse.

As expected, bongga ang affair. Among the performers that evening were the Philippine Opera company, Harana, Ramon Obusan Dancers and  Gary Valenciano.

We saw Joel’s two bundles of joy at talaga namang ang cute nila. Russian ang surrogate mother na kinuha ni Joel to bear his children at hindi siya nagkamali dahil ang ganda ng lahi.

Bongga rin ang room ng kambal. They both have yayas at lahat na yata ng amenities were made available to them.

Three months na ang kambal and we are certain na sila ang pinakamagandang Christmas gift na natangap ni Joel this Yuletide season.

 

BLIND ITEM: A young actor is said to be a weilding a very bad influenced on a young lead dramatic actor kaya raw nagkawarde-warde ang buhay nito ngayon.

Ito raw young actor na ito ang nag-introduce ng masamang bisyo kaya naman napariwara na raw ang buhay nito. Obvious na obvious ang pamamayat ng TV actor dahil sa kanyang bisyo. At pati ang pananalita niya ay naapektuhan na rin.

Sa isang event nga, kitang-kita na hindi ito mapakali sa kanyang kinauupuan. Parang palagi siyang may malalim na iniisip. It was as if he wants to vanish before the people who were there to interview him.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING