Gerald Anderson reyna ang turing kay Julia Barretto

Leo Bukas

PAGKATAPOS aminin sa publiko ang relasyon nina Gerald Anderson at Julia Barretto ay naging kumportable na ang dalawa sa kanilang public display of affection or PDA. Lantaran na rin ang palitan nila ng sweet messages sa social media.

Sa Instagram account ni Julia ay nag-post pa siya ng picture nila ni Gerald na magka-holding hands sa isang beach sa ilalim ng sunset.

“My ride or die,” caption ni Julia sa photo. May reaksyon naman dito ang boyfriend niya at nag-post ng “My (queen emoji),” na sinundan pa ng red heart emoji. Ang sweet nila, di ba?

Gerald Anderson reyna ang turing kay Julia Barretto
Julia Barretto and Gerald Anderson

Hindi nga maitatago kung gaano kamahal ni Julia si Gerald dahil kapansin-pansin na ang dalaga pa ang una at palaging nagpo-post ng litrato nila sa social media.

Sa kaganapan ngayon sa buhay ni Julia ano kaya ang nararamdaman ni Joshua Garcia? Siguro naman ay masaya na rin siya sa dating kasintahan. Teka, kelan kaya ulit magkakaroon ng bagong girlfriend si Joshua?

Nga pala, malapit nang magsimula ang teleserye ni Gerald sa Kapamilya channels, A2Z at TV5 na Init Sa Magdamag. Makakasama niya rito sina Yam Concepcion at JM de Guzman.

Isang community doctor na maraming isinakripisyo para gampanan ang kanyang profession ang role ni Gerald sa Init Sa Magdamag. Ayon sa binata naka-relate siya sa role dahil in real life ay marami rin siyang isinakripisyo.

Aniya,  “Marami akong nasakripisyo din dahil sa pag-ibig. Kaya ako na-attract kay Tupe agad kasi he’s very selfless. Isa siyang community doctor sa bundok. Yung passion niya para tumulong sa iba na mas nangangailangan ng tulong is also one trait na doon ako na-attract sa kanya. At kung paano siya magmahal.

“Hindi siya yung tao na kailangan isigaw sa buong mundo yung pagmamahal niya sa relationship. Kumbaga alam niya ang gusto niya at gagawin niya ang lahat para sa mga taong malapit sa kanya, yung mga mahal niya sa bahay. So, siguro doon ako nakaka-relate sa kanya.”