Gerald Anderson, pinasasakitan lang si Kim Chiu?!

ADVERTISING

Gerald Anderson, pinasasakitan lang si Kim Chiu?!

Gerald Anderson, pinasasakitan lang si Kim Chiu?!OLA CHIKKA again and again to the maximum authority of chikka ng inyong Tita Swarding dahil may programa ako sa London simulcast, ang Pinoy Radio UK, sa Pinoy Radio Nordic, at Pinoy Radio France, via skype. Dito po ang broadcast sa Pilipinas pero ang studio namin sa London, every Saturday 11am to 1pm London time and 7-9pm Manila time.

May nagtatanong sa akin kung nasaan na si Charice? Wala akong maisagot kasi hindi ko talaga alam kung nasaan na nga si Charice. Kasi pagkatapos nu’ng contest sa Channel 2 na The X-Factor Philippines, wala na akong balita sa kanya.

Nabasa ko rito sa Pinoy Parazzi na si Charice daw ay nalilihis na ng landas. Ayon sa kanyang maderaka na si Raquel Pempengco, galit na galit ito sa isang Jamie Anne Peters na tinawag niyang linta, kasi ito raw ang bad influence kay Charice at nagsasama na yata. ‘Wag lang daw mag-krus ang kanilang landas at talagang kakalbuhin niya ang dalawang ito.

Pero teka, hindi ako interesado kay Charice.

ADVERTISING

 

Gerald Anderson, pinasasakitan lang si Kim Chiu?!‘ETO PA ang isang tanong, na nakikiusap sa akin ang mga Kimeralds London chapter, napakarami pala ng mga fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa London, kung ano na raw ang status ng dalawa? Kung totoo nga ba na si Gerald na nga at si Maja Salvador?

Ang alam ko kasi, nagsalita na si Matteo Guidicelli, na masaya na siya sa relasyon nina Maja at Gerald. Kasi nga naman, nu’ng nagkahiwalay sila, walang third party. Basta na lang iniwan ni Matteo si Maja, kasi mas pinili ni Matteo ang career at ang kanyang sports.

Pero si Maja nagkahiwalay sila na mahal na mahal na niyang si Matteo, kaya lang wala siya magagawa. Kasi si Matteo nga ang umayaw. Kaya nu’ng pumasok daw si Gerald, biglang sinunggaban ni Maja na kahit sina Maja at Kim ay mag-BFF. Kaya masakit nga naman kay Kim na biglang napunta kay Maja ang dati niyang BF.

Kaya sa tanong ng mga Kimeralds ng London, ito lang ang masasabi ko: hanggang ngayon, may natitira pa ring pagmamahalan sina Kim at Gerald. Malay mo, pinasasakitan lang ni Gerald si Kim kaya pinatos niya si Maja para masaktan. Lalabas at lalabas naman ang katotohanan niyan kung magtatagpo ang kanilang landas at may bago na naman silang proyekto na pagsasamahan nila sa Dos.

Kaya sa mga fans, ‘wag kayong mawawalan ng pag-asa hangga’t hindi pa sila kasal at nagsasama sa iisang bubong, ‘di ba naman? Pero kung saan maligaya ang kanilang idolo, hala sige, humayo kayo at mag-ilusyon na lang kayo sa kanila na sila pa rin. ‘Yun na!

 

SIYA NGA pala ‘wag n’yong kaligtaang panoorin ako o pakinggan sa DZRH, RHTV every Saturday na po, 12-1pm, kasama ko si Lady Camille at Lady Ivy. At siyempre sa DWSS, daily 11:30am, at ang programa ko sa London, every Saturday rin. Search lang po n’yo sa Skype: Pinoy Radio UK, simulcast po ‘yan sa Pinoy Radio Nordic at Pinoy Radio France.

Ola chikka na, Tita Swarding! God bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING