Gerald Anderson, nagpaandar sa kanyang fans sa isang boot camp sa Subic

ADVERTISING

Gerald Anderson, nagpaandar sa kanyang fans sa isang boot camp sa Subic

Gerald Anderson
Gerald Anderson

Nakatutuwang isipin na sa kanyang 10th year sa showbiz, imbes na magkaroon ng show (tulad nina Kim Chiu at Xian Lim come July); mas in-enjoy ni Gerald Anderson na makasama ang kanyang fans sa  Ocean Adventure, kung saan bilang pasasalamat ay nag-treat ang aktor sa kanila sa lugar sa loob ng dating Subic Naval Base sa Olongapo last weekend.

Masuwerte ang almost 100 fans ni Gerald na napabilang sa paandar ng actor. Sinabayan niya ang maghapong bonding with his fans sa tinawag niyang Anderson Boot Camp, kung saan may mga obstacle games siya na inihanda para sa kanila.

For lunch, nakipag-boddle fight ang binata kasama ang mga tagahanga niya.

“It’s my way of saying thank you sa mga suporta nila sa akin when I started sa showbiz,” sabi nito ayon sa isang panayam sa kanya.

ADVERTISING

Sa Subic event ni Gerald Anderson with the fans, shirtless kung shirtless ang aktor na super sexy at yummy, na sa kabuunan ng maghapong kaganapan, bukod sa mga games na inihanda ng aktor sa fans, nag-enjoy lahat sa nakikita nilang kaseksihan ng aktor nu’ng araw na ‘yun.

Kung maalala pa, si Gerald ay bagets na bagets pa noon na galing General Santos City na sa unang salang niya sa showbiz ay nakapasok agad siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition, kung saan runner-up siya ng dating “girlfriend” na si Kim Chiu.

Sa ngayon, busy ang aktor sa taping ng bago niyang serye with Jake Cuenca and Yen Santos na “Because You Love Me” at any time ay magsisimula na rin siya ng pelikula nila ni Bea Alonzo para sa Star Cinema.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING