Gerald Anderson, na-shookt sa hot love scene nila ni Ivana Alawi

NALALAPIT NA ang pagpapalabas ng highly anticipated teleserye debut ng sexy actress/vlogger/model na si Ivana Alawi via ‘A Family Affair‘. Matatandaan na bago magpandemya ay magbibida dapat sa ‘Ligaya’ ang dalaga. Dahil na rin sa takot na makapasok ang Covid sa kanilang household ay nagdesisyong magquit si Ivana. Ang ‘Ligaya’ ay naging ‘La Vida Lena’ na pinagbidahan ni Erich Gonzales.

Gerald Anderson, na-shookt sa hot love scene nila ni Ivana Alawi
Gerald Anderson and Ivana Alawi in ‘A Family Affair’

This time ay mas bongga ang upcoming series ni Ivana na ‘A Family Affair‘ dahil apat na hunks lang naman ang kanyang leading men: Sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito at Jameson Blake. Vocal naman ang Kapamilya network na ito ang supposed shelved project ni Bea Alonzo bago ito lumipat sa GMA.

Hindi pa man pinapalabas ang teleserye ay pinag-uusapan na kung gaano ‘ka-hot’ ang mga eksena nila. Kahit si Gerald Anderson na sanay sa maiiinit na eksena ay na-shookt sa mga pinagawa sa kanila.

“Sabi ko, ‘Talaga, direk? Talaga? ‘Di ba, pang-TV ‘to?’ Sabi niya, ‘Hindi, pang-Netflix ‘to!’

“Siyempre first leading role ni Ivana. Sabi ko, ‘Paano natin gagawin ‘to na magiging comfortable siya sa scene?’ tanong ni Gerald sa kanilang direktor.

“Kinakausap ko ‘yung mga PA (production assistants), si direk. Minsan kapag feeling ko hindi na ganoon kakomportable o medyo parang may nakikita o medyo revealing, titingnan ko si direk. Kasi siya (Ivana) ‘yung priority,” kuwento ni Gerald.

Dahil sa ipinakitang galing at dedikasyon ni Ivana sa proyekto, naging ‘fan’ na si Gerald ng dalaga.

“From now on, I’m a fan, at magiging cheerleader ako. Sana, after this, isi-share pa rin niya ‘yung talents niya sa ating lahat.

“Exciting kung ano pa ang gagawin niya. Abangan niyo ang napaka amazing na Ivana dito,” proud na sambit pa ni Gerald tungkol sa kanyang bagong leading lady.

 

Previous articleVLOG WATCH: Dennis Trillo and Jennylyn Mercado introduces Baby Dylan
Next articleAngelica Cervantes bida sa sexy-drama Vivamax film na ‘Biyak’