Gerald Anderson, mas bata ang pakiramdam dahil sa pagiging athletic

ADVERTISING

Gerald Anderson, mas bata ang pakiramdam dahil sa pagiging athletic

Bukod sa pagiging super athletic, feeling ng aktor na si Gerald Anderson ay mas bata siya. Feeling 21 years old siya sa kabila ng katotohanang edad 27 na ang binata.

Gerald Anderson, mas bata ang pakiramdam dahil sa pagiging athletic
Gerald Anderson with Jake Cuenca & Dingdong Dantes
Gerald Anderson, mas bata ang pakiramdam dahil sa pagiging athletic
Bea Alonzo

Marahil siguro sa disiplina ni Gerald sa sarili na kailangan niyang mag-work-out (mag-pawis) and to eat the right food.

Suwerte nga niya dahil ang isa sa mga nasa bucket list niya na mapasama sa isang international marathon ay nangyari. Last March ay nagawa niyang makasali sa Los Angeles Marathon bilang birthday gift na rin ng aktor sa sarili.

Mabuti na lang, ang mga kaibigan niya at kasama sa bahay ay mga health buff tulad niya, kaya inspired din ang binata na i-maintain ang kanyang magandang kalusugan.

ADVERTISING

Sabi nga ni Gerald about being healthy, “Gusto kong i-inspire sa mga tao na live a healthy lifestyle and exercise. Hindi naman kailangan na mag-42k marathon, but kahit papa’no mag-exercise, kumain nang tama.”

“Sobrang blessed ako na nasa isang position ako na makapagbigay ako ng ganu’ng klaseng inspiration or motivation,” sabi pa ni Gerald.

Mabuti na lang, ‘yong mga kaibigan niya at mga kasamahan sa bahay ay pareho rin ang interest tulad ng sa kanya.

“‘Yung driver ko, sumasali na rin sa mga triathlon, and ‘yung PA (personal assistant) ko, kasama naming tumakbo. ‘Yung make-up artist ko, tumatakbo rin sa mga marathon,” pagbibida pa ng aktor.

Sa katunayan, mino-motivate din niya ang “girlfriend” na si Bea Alonzo to be part of his healthy lifestyle.

Kuwento ng binata, “Niyaya ko na siya at malakas siyang tumakbo. I think 5k na siya, eh. Malakas siya, walang biro. Kaya I think isa ‘yun sa mga enjoy kami. We have the same interest.”

No wonder, super happy sina Gerald at Bea. Hindi lang sila sa lovelife nila compatible kundi pati sa lifestyle. Ayos!

ADVERTISING