Gerald Anderson, malabong makalusot ang pagiging babaero kay Arci Muñoz

ADVERTISING

Gerald Anderson, malabong makalusot ang pagiging babaero kay Arci Muñoz

Gerald Anderson, malabong makalusot ang pagiging babaero kay Arci MuñozSa totoo lang, aliw ako kay Arci Muñoz noong humarap siya sa press sa grand presscon ng pelikula nila ni Gerald Anderson na “Always Be My Maybe”.

ADVERTISING

Kaswal si Arci Muñoz. Hindi siya ‘yong tipo ng female showbiz celebrity na aarte-arte. Tipong what you see in her is what you ge,t kaya gusto ko siya sa unang pagkakataon pa lang nang humarap siya sa press.

May ganu’ng mga tao kasi na sa unang pagkakataon na makahaharap mo sila, magugustuhan mo sila agad. Magaan ang dating nila na tanggap mo sila agad.

Like ko ang gan’ng mga artista. Straight forward sa mga sagot nila sa itinatanong mo sa kanila.

ADVERTISING

Nang tanungin kung may commitment siya, diretsahan niyang inamin na may boyfriend siya.

Kung ibang artista lang ‘yan, baka hindi pa nila madiretso ang kanilang sagot para sakyan ang “love angle” ng tema ng pelikula ni Gerald Anderson.

Pero basa ko, ang pagiging palikero ni Gerald, tila hindi makalulusot kay Arci. Diretsahan din kasi ang dalaga sa kanyang nararamdam na on the spot ay sasabihin niya agad.

Kaya nga nang mapansin ni Arci na iba ang hawak ni Gerald sa hita niya, agad-agad, sinabi nito harap-harapan na may “chancing” na agad ang binata sa kanya na sinundan agad ng malakas na tawanan.

Matagal na palang umiikot si Arci sa showbiz. Mula sa GMA 7 ay napadpad sa TV 5 at kung saan-saan lumutang na suwerte na lang ay napadpad siya sa Kapamilya Network. At heto’t timing lang na nabigyan siya ng magandang break sa pamamagitan ng “Pasion de Amor” serye niya tuwing hapon bago mag-TV Patrol.

Sa totoo lang, kung hindi lang showbiz ang relasyon nila ni Gerald, mukhang puwedeng ma-develop ang dalawa.

Halos swak ang mga personalidad nila sa isa’t isa. Si Arci parang Woman of the World. Free spirited at cool na cool lang. Parang si Gerald na chill din lang ang attitude.

Si Gerald, loveless ngayon after Maja Salvador, while si Arci is committed sa isang rock band member, kaya no way for the meantime na kung magseseryoso si Gerald kay Arci, waley ring mangyayari dahil love ng dalaga ang kanyang current karelasyon.

Who knows kung magkaroon ng aberya between Arci and her BF at si Gerald ay naka-hold on pa rin for Arci (na inamin naman ng binata na gusto niya ang dalaga), baka nga may chance. Walang makapagsasabi. Alam n’yo naman ang pag-ibig, ang daming magic.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING