Gerald Anderson, makatulo-laway! – Gorgy’s Park

ADVERTISING

PUNUNG-PUNO ANG NBC Tent nu’ng nakaraang Huwebes dahil star-studded ang Cosmopolitan Bachelor Bash kung saan nagrampahan ang sangkatutak na hunks na talagang pinagkaguluhan, tinilian at halos kabaliwan ng mga kababaiha’t bading.

Sa sampung centerfolds, nangunguna at most applauded si Gerald Anderson pero in fairness naman kay Aljur Abrenica, hindi rin siya nagpahuli.

ADVERTISING

Sa ganda naman ng katawan, hindi nagpatalo si Aljur dahil matagal naman niyang pinaghandaan ang event na ito.

Sa totoo lang, mas maganda pa nga di hamak ang katawan ni Aljur kesa kay Gerald na medyo may kalaparan tingnan.

Ilan pa sa sampung centerfolds na rumampa nu’ng gabing iyun ay sina JC Tiuseco, Ejay Falcon, Xian Lim, Akihiro Sato at ang guwapong Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga.

ADVERTISING

Suportado ng mga taga-ABS CBN 2 ang mga talents nila at ganun din ang mga Kapuso stars.

Nandu’n siyempre ang leading lady ni Aljur na si Kris Bernal na naloka sa mga seksing boys na nagrampahan. First time daw niyang nakasaksi ng ganu’n.

Present din si Carla Abellana na cover sa issue na iyun at sinabi naman niyang kay Aljur talaga siya magtsi-cheer.

Suportado rin nina Maxene Magalona at Rich Asuncion si JC dahil kasama nila ito sa Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin.

KABI-BREAK LANG ni JC sa non-showbiz girlfriend niya at si Maxene ay ganun din sa non-showbiz boyfriend niya. Kaya naiintriga tuloy silang mukhang magkadebelopan ang dalawa.

Itinatanggi naman nilang dalawa dahil talagang close lang daw sila at iba raw ang bonding nila sa kanilang sinenobelang Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin.

Sa ngayon ay ayaw raw muna nilang ma-in love at mas mabuting sa trabaho na raw muna sila mag-concentrate.

Aljur Abrenica, bading?!

Sweet naman sina Aljur at Kris na very vocal naman ang huli na ang ka-loveteam niyang si Aljur ang pinaka-sexy sa lahat.

Proud na proud nga si Kris sa magandang performance ni Aljur kaya bilang reward, humingi ng halik itong young actor sa ka-loveteam niya na binigay naman agad ni Kris.

Hindi naman siguro ito para sa publicity ng pelikula nilang Nandito Ako…Nagmamahal sa ‘Yo. Talagang iba na raw ang closeness nila lalo na’t nakapag-bonding naman sila nang husto nang nag-shooting sila para sa pelikulang ito sa Bohol.

May mga ilang tsika akong narinig doon na pagkatapos ng rampahan nila ay meron daw isang kasali sa sampung centerfolds na mukhang gusto nang bumigay ang kabadingan.

Ang landi-landi raw nito sa backstage na ipinagtaka ng ibang male models kung tunay na hunk ba talaga ito.

Nakakaloka! Ang dami ko na kasing naririnig na may bahid ng kabadingan ito pero ayoko namang paniwalaan dahil ang guwapo pa naman nito.

Pero nang rumampa ito, medyo naalibadbaran kami dahil parang gusto niyang kumembot, ha!

May mga ilan din kasing models doon na iba rin ang kembot pag rumampa kaya mukhang type rin nitong Cosmo hunk na ito na sumabay.

Natanong nga ito minsan dahil nakukuwestiyon ang kasarian niya pero siyempre, todo-deny naman siya lalo na’t gumaganda naman ang career nito.

By Gorgy’s Park

ADVERTISING