Gerald Anderson-Maja Salvador break-up, usap-usapan pa rin ang dahilan ng hiwalayan

Gerald Anderson-Maja Salvador break-up, usap-usapan pa rin ang dahilan ng hiwalayan

Gerald-Anderson-Maja-SalvadorHANGGANG NGAYON hindi malinaw ang dahilan ng paghihiwalay nina Gerald Anderson at Maja Salvador. Ayon sa actor, walang third party involved sa kanilang cool off relationship. Nakikiusap ito na bigyan sila ng privacy ni Maja para maayos kung anumanG gusot ang namamagitan sa kanila. Nakapag-usap naman daw ang dalawa bago sila tuluyang naghiwalay. Desisyon nila ‘yun pareho kaya’t walang dapat sisihin kung hindi na silang magkabalikan.

Sa totoo lang, nakapa-puzzle ang break-up nina Gerald at Maja. Maraming side comments ang naglabasan sa media. Mas marami ang natuwa kaysa sa nanghinayang sa break-up ng dalawa. Nand’yang baka ang actor daw ang nakipag-hiwalay sa actress dahil nang maging sila ni Maja, sumisid paibaba ang career ng binata. Na-realize daw nito na ayaw ng mga fans si Maja. Hindi nakatulong ang dalaga para manumbalik uli ang kasikatan ni Gerald. Naging negative ang dating nila sa publiko because of Kim Chiu na dating ex-girlfriend ng binata na best friend ni Maja. Nang dahil kay Gerald, nasira ang friendship ng dating magkaibigan. Kahit nagkapatawaran na, hindi na maibabalik ang dating masayang samahan ng dalawa nang dahil lang sa lalaki.

Sa relationship nina Gerald at Maja, ang career lang ng dalaga ang umariba, naiwan sa ere ang binata. Hirap ito at ang management ng Kapamilya Network na ibalik ang dating kasikatan nito. Oo nga’t naging tunay na actor si Gerald sa huli niyang pelikula under Star Cinema with Joel Torre, pero hanggang du’n lang ‘yun.

May nagsasabing baka ang Star Magic (Mr. Johnny Manahan) ang nagdesisyon na paghiwalayin muna pansamantala sina Gerald at Maja para sa ikabubuti ng kanilang career na sinang-ayunan naman ng dalawa, kaya hindi maipaliwanag ng binata ang tunay na dahilan ng cool off nila. Kung si Maja ang tatanungin, ayaw niyang magbigay ng comment tungkol sa issue. Tulad ni Gerald, pakiusap din ni Maja bigyan sila ng privacy. Oo naman…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield