Gerald Anderson, kumportableng humawak sa hita sa hita ni Arci Muñoz

ADVERTISING

Gerald Anderson, kumportableng humawak sa hita sa hita ni Arci Muñoz

Gerald Anderson, kumportableng humawak sa hita sa hita ni Arci MuñozKaswal si Gerald Anderson sa ka-partner na si Arci Muñoz.

ADVERTISING

Yes, sa presscon ng pelikulang “Always Be My Maybe” directed by Dan Villegas, nagulat kami kung paano hawakan ni Ge ang hita ni Arci who was in her beautiful sexy red gown.

Yes, hawak sa hita na feeling ng makakikita, may something na ang dalawa kahit sabihin ng binata na zero ang lovelife niya after Maja Zalvador, at si Arci Muñoz naman ay commited sa isang non-showbiz guy (na balita namin ay isang rakista na member din ng isang band tulad ng dalaga).

Aliw ang dalawa na kung tuluy-tuloy lang kung anong meron man silang dalawa ngayon (kahit ayaw nilang aminin), alam mong hindi malayo na ma-develop ang dalawa para maging isa.

ADVERTISING

Siguro, kung wala lang boyfriend si Arci at commited at seryoso lang na magpursige ang binata na ligawan si Arci ngayon, inamin niya na gusto rin niya ang dalaga, baka nga bago matapos ang shooting ng pelikula nila ay sila na ang magkatuluyan.

Oks si Arci sa amin. Cool na cool na parang barkada lang ang peg. Hindi maarte. Laugh trip lang at tipong kayang sakyan ang lahat. Gayon din ang attitude ni Ge na tila sa halos sunud-sunod niyang failed love life – from Kim Chiu to Sarah Geronimo to the latest na si Maja – na lahat ay unexplained at biglaan (sabi kasi, babaero raw ang binata) ang break-up sa mga girlfriends niya, ang binata palagi ang sinisisi.

Pero balik tayo kung paano hawakan ng aktor ang hita ng dalaga mula sa mataas na slit ng suot na gown, kutob ng maraming press ay may something ang dalawa.

Sa movie nina Gerald Anderson at Arci ay makasasama rin nila si Jane Oineza at ang ayaw ring umamin na sina Kakai Bautista at  Arron Villaflor. Showing na ito sa February 24, Star Cinema’s post-Valentine offering.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING