Gerald Anderson, inilabas na ang ipinalit kay Maja Salvador

ADVERTISING

Gerald Anderson, inilabas na ang ipinalit kay Maja Salvador

1 Gerald-Anderson-Meme 2 Gerald-Anderson-MemeDAHIL SA isyu ng hiwalayang Maja-Gerald na pati si Janice de Belen ay nadamay pa, heto’t may kumakalat namang balita na isang bading at kalahati ang diumano’y pinatulan ni Gerald at ipinalit kay Maja.

ADVERTISING

Naging viral ang photo sa social media na pati ang ilang showbiz website ay pinatulan naman.

Kaya nakapanayam namin ang naturang magandang bading sa set mismo ng Nathaniel (na araw-araw at pataas nang pataas ang rating, thank you, thank you!).

Ang sabi ng bakla bilang message sa mga bashers niya, “Sana, maging happy na lang kayo para sa amin, kasi okay naman kami ni Ge, eh!”

ADVERTISING

Sabi ng bading na si Dennis, “Kuya Ogie, nakakalokah, dahil sa ipinost ni Ge na picture namin, nadagdagan ang followers ko sa Instagram ng mga 300.”

Hahahaha! Gayahin ba naman nila ni Ge kasi ang nag-viral na picture ng bading na ang guwapo ng foreigner na boyfriend habang holding hands sila.

Ayun, nakaisip si Isabelle Daza na kunan si Ge at ang personal assistant nito (na ilang taon na sa kanya) na gayahin ang pose ng viral photo.

Game namang nakipag-playtime si Ge, kaya kahit siya mismo, aliw na aliw sa “drama”.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING