Gerald Anderson, humihingi ng privacy sa break-up nila ni Maja Salvador

Gerald Anderson, humihingi ng privacy sa break-up nila ni Maja Salvador

Gerald-AndersonNAKAPANGHIHINAYANG KUNG hindi maagapan ang problema ni Gerald Anderson at ng girlfriend niyang si Maja Salvador tungkol sa relasyon nilang dalawa. Ni hinagip or tsismis, wala namang kumalat o kaya’y pahaging na may problema ang relasyon nilang dalawa.

Nakagugulat dahil last Tuesdy evening, ipinahayag ng aktor ng bago teleseryeng Nathaniel na split na sila ni Maja. Hindi masyadong nagkuwento si Gerald tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa.

Naalala ko noong Kapaskuhan, sweet na sweet ang dalawa nang i-launch ang mini-serye nila ng Dreamscape Entertainment na isang episode sa Christmas Special na Give Love on Christmas, kung saan for the first time ay pumayag sila ni Maja na magsama sa isang project. Sa katunayan, sa press launch ng episode nila noon, ang ganda ng vibes na namumutawi sa mga bibig ng magsing-irog.

Maging ang press people na naroroon, nai-in love sa dalawa dahil punum-puno ng pag-ibig at positive vibes ang paligid, kung saan for the first time, hindi naging maramot ang magkarelasyon na i-share sa press ang nararamdaman nila at pinagsasaluhang pag-ibig.

Nagulat nga kami at ‘yun ang balitang tumambad. Maikli lang ang kuwento ng binata sa press tungkol sa split-up nila ng girlfriend. Cool off muna siguro ang tawag dito. Hindi pa naman 100% na hiwalay na sila. Bilang lalaki na mahal na mahal si Maja, ginagawan pa ng paraan ni Gerald na maayos niya ang relasyon nila na kapag pinabayaan ay tuluyan nang mawala.

“We are taking a break muna sa relationship namin. All we ask right now is to just please, please respect our privacy,” pakiusap ni Gerald sa press.

Sa sitwaasyon ngayon ng aktor, nakikiusap siya na hayaan muna siya na ayusin nila ng girlfriend ang problema nilang dalawa.                Sa hiwalayan nila ni Maja, walang third party involved.

Sa hiling ni Gerald, yes, we will respect their privacy muna. Request granted.

Reyted K
By RK VillaCorta