Gerald Anderson handang humingi ng tawad kay Bea Alonzo

Leo Bukas

AYON SA bida ng Init Sa Magdamag teleserye na si Gerald Anderson, willing siyang mag-reach out sa dati niyang girlfriend na si Bea Alonzo. Umaasa rin daw siya  at umaasa na  mapapatawad siya ng dating Kapamilya actress.

“Sana, Tito Boy. Kung puwede kong baguhin yung nangyari kaso… I mean… ang hirap, Tito Boy, eh. And it’s done. I’ve made mistakes. We both made mistakes,” lahad ni Gerald sa interby ni Boy Abunda.

Gerald Anderson handang humingi ng tawad kay Bea Alonzo
Gerald Anderson and Bea Alonzo

Natanong din si Gerald kung may plano ba siyang mag-reach out sa ex niyang si Bea at sa boyfriend nitong si Dominic Roque at ang sagot nito ay oo naman daw.

“More siguro kay Bea,” aniya. “I mean, ‘wag na po siguro tayo mandamay ng ibang tao. I really hope she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me… Nagho-hope lang po ako, Tito Boy,” sabi pa niya.

Dugtong ng aktor, “I think kailangan kong pagdaanan ‘yan para makarating ako dito sa state kung saan ako ngayon sa sitwasyon ko.  Siyempre, kung hindi pwedeng dumaan sa ganu’ng klaseng sitwasyon…but that’s life. Hindi ko naman masasabi kung anong mangyayari or hindi ko na mababago yung nangyari as much I wish I could. Hindi ko na po hawak yon.

“I just can absorb and learn and just move on in life kasi…that’s what life is about, it’s falling down and getting back up.”

Gerald Anderson handang humingi ng tawad kay Bea Alonzo
Bea Alonzo and Gerald Anderson

Tinanong din ni Kuya Boy kung ready na ba siyang yayaing magpakasal si Julia Barretto. Naging vocal kasi ito sa kanyang mga vlog entries na gusto na daw nitong bumuo ng sarili nitong pamilya.

“Alam mo, Tito Boy, gusto ko sagutin yan talaga. Siguro alam n’yo po kung anong isasagot ko d’yan.

“But dahil siguro she’s still very young and ang dami pa n’yang maio-offer sa industriya natin and ang dami pa n’yang ipapakita sa inyo, sa audience natin. Ayaw ko po maging hadlang doon. If I had my way, of course. Kaso hindi pa kami quota, Tito Boy,” huling pahayag ni Gerald.