Gerald Anderson, handang-handa nang tumakbo sa Los Angeles Marathon

ADVERTISING

Gerald Anderson, handang-handa nang tumakbo sa Los Angeles Marathon

Bongga ang recent birthday celeberation ni Gerald Anderson dahil waging-wagi ang aktor sa inorganisa niyang fun-run na ginanap last March 5.

Gerald Anderson, handang-handa nang tumakbo sa Los Angeles Marathon
Gerald Anderson

Paghahanda na rin iyon ng actor para sa Los Angeles Marathon na magaganap sa darating na Sunday, March 18, sa Los Angeles, California, USA. Kumbaga, parang pre-event ng sasalihang marathon ni Gerald sa Amerika ang inorganisang fun run na sinalihanin din ng kanyang ex-girlfriend na si Kim Chiu. Sa pagkakataong ito, tila nagiging athletic na rin ang aktres, sa impluwensiya marahil ng “boyfriend” na si Xian Lim.

Si Gerald ay first time na tatakbo ng 42K. First major international competition niya ang Los Angeles Marathon.

Aside from his showbiz career at sa isa pang career (ay ito nga ang sports niyang running), kumusta naman kaya ang kanyang love life? Balita naming, sasama sana si Bea sa kay Geh para suportahan ang “boyfie”.

ADVERTISING

Sabi ng actor, “Si Bea ay napaka-busy rin, so napakahirap ‘yun. Medyo matagal din ako ro’n, eh. Kasi mag-te-training din ako ro’n bago lumaban.”

Nand’yan man or wala si Bea sa mga events ni Gerald, ilang beses na ring napatunayan ng aktres kung gaano kaimportante ito sa binata at sa laki ng suporta nito sa kanya sa lahat ng pagkakataon.

Sa magaganap na LA Marathon, makasasama ni Gerald ang kapwa Star Magic artists na sina Piolo Pascual at Matteo Guidicelli.

Good luck Gerald, Papapi, and Matteo!

ADVERTISING