Gerald Anderson, gustong gawing ‘normal’ ng kanyang fans!

PARANG MAY PAGKADIKTADOR pala itong fans ni Gerald Anderson.

We’re saying this kasi nabalitaan namin na may gustong mangyari ang Gerald fans sa soap operang Budoy ng aktor.

Aba, ang gusto ba naman nila ay gawin nang normal ang character ni Gerald sa soap. Mas maganda raw kung mawawala na ang pagka- autistic ng character ni Gerald at mas panonoorin daw nila ito.

The Gerald fans apparently e-mailed the Kapamilya Network para maiparating ang kanilang request and the network executives seems bent on acting upon their request.

Pinag-iisipan na raw ngayon ng management ng Dos kung paano gagawing normal ang character ni Gerald.

Natawa na lang kami nang makarating sa amin kung paano ie-execute ang eksenang gagawing normal na si Gerald. Imagine, may nag-suggest daw na kunwari ay tatamaan ito ng kidlat at magiging normal na agad ito.

Kaloka!

BOTHERED NA RAW ang Kapuso Network dahil kokonti ang publicity ng soap na pinagbibidahan ni Sarah Lahbati.

Kokonti lang daw kasi ang nilikhang ingay ng dalaga kaya naman double time sila lalo pa’t they plucked the young girl from starlethood to make her the bida of her own teleserye.

Ayun, nagpalabas ng pralaling ang grupo ni Angel Javier para i-beef up ang interest sa show ni Sarah.

Sabi raw sa press release, full-pledged star na si Sarah. Talaga lang, ha? Baka naman full-fledged.

Hay naku, bakit nakakalusot kay Angel Javier ang ganitong write-up. Hindi ba niya nababasa ang mga pinalalabas na press release? Just asking. No need for you to answer.

KRIS AQUINO SEEMED to have feigned her concern for the magazine of Sharon Cuneta.

Curious daw kasi ang TV host kung ano na ang mangyayari sa magazine ni Sharon once she left ABS-CBN.

“So, what happens now to her mag?” Kris reportedly asked a friend na akala mo naman ay super concern sa kakahantungan ng magazine ng megastar.

Ano pa nga ang mangyayari kundi mawawala na rin siyempre ang mag ni Sharon once na lumipat na siya sa Singko. Kailangan pa bang i-memorize ‘yan, Kris?

When Kris and Sharon made a tour of Vilma Santos’ house in Alabang, they both made an impression that they were good friends. Feeling tuloy ng mga tao they’re really that close.

But it seems they’re not even friends. Kasi kung friends nga sila talaga, Kris could have texted Sharon about her magazine, right?
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleRichard Gutierrez, aminadong in love sa non-showbiz GF!
Next articleAnne Curtis, ayaw nang makasama ni Martin Nievera sa concert!

No posts to display