Gerald Anderson, feeling love advisor sa mga kaibigang lalaki

ADVERTISING

Gerald Anderson, feeling love advisor sa mga kaibigang lalaki

Gerald Anderson, feeling love advisor sa mga kaibigang lalakiDahil sa mga natutunan ni Gerald Anderson habang ginagawa ang “Always Be My Maybe”, feeling daw niya ay confident na siyang magbigay ng advice sa kanyang mga kaibigang lalaki.

ADVERTISING

“Parang ang tanda ko na kasi, ako na ‘yung nagbibigay ng advice sa mga kaibigan ko. Hahaha! Well, base din lang naman ‘yun sa mga pinagdaanan ko at natutunan ko rito sa movie,” sey ng aktor.

Eh, ano namang advice ang ibinibigay niya sa mga kaibigan?

“Guys, huwag munang ganyan, kasi pagsisisihan mo rin. Trust me, napagdaanan ko ‘yan, sabi ko sa kanila,” simple niyang sagot.

ADVERTISING

Handa na ba ulit siyang pumasok sa bagong relasyon?

“Parang… actually, isa ‘yan sa natutunan ko sa film na ito na kailangan mo talagang mag-commit. You have to be ready for that. Sa process, under construction (ang puso) pa ako,” sey pa niya.

Okey naman daw ang puso niya ngayon at masaya kahit walang lovelife.

“Masaya ako now, sobra. I’m at peace. At ‘yon naman ang importante lalo na kung nagkamali ka at may kasalanan ka, tapos aaminin mo. ‘Yon ang pinakaimportante, eh, being at peace and forgiving yourself,” pahayag ni Gerald.

Si Arci Muñoz ang kapareha ni Gerald Anderson sa “Always Be My Maybe” na palabas na sa Feb. 24 mula sa Star Cinema.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING