Gerald Anderson, dibdiban na ang panliligaw kay Maja Salvador

ADVERTISING

Gerald Anderson, dibdiban na ang panliligaw kay Maja Salvador

Gerald Anderson, dibdiban na ang panliligaw kay Maja SalvadorMUKHANG DIBDIBAN na yata talaga ang ginagawang panunuyo ni Gerald Anderson kay Maja Salvador. Hindi ba’t tinanong ko siya sa The Buzz kung nililigawan ba niya si Maja? “I love to kung bibigyan niya ako ng chance,” ang diretsa niyang sagot. Hindi raw siya mapipigilan sa kanyang panliligaw kay Maja kung bibigyan siya nito ng pagkakataon.

It was reported that the “rumored” couple spent Valentine’s Day in Tagaytay. Sinasabing nagrenta pa ng isang helicopter si Gerald para dalhin silang dalawa ni Maja sa Tagaytay.

Ayon sa pananaliksik ng The Buzz sa website ng isang local airplane and helicopter rental services company na nag-o-offer ng Manila-Tagaytay package ay mahigit isang daang libong piso ang halaga ng ganitong klase ng date.

Manggagaling sa isang pribadong helipad sa Manila ang helicopter at lilipad patungong Tagaytay sa loob ng isang oras. The package includes a bouquet of flowers, a stuffed toy, chocolates, a bottle of champagne, and a romantic lunch at Antonio’s Gardens. After two hours, the clients will return to Manila via helicopter. Gerald Anderson, dibdiban na ang panliligaw kay Maja Salvador

ADVERTISING

Maja and Gerald are still mum about their alleged date in Tagaytay pero malakas ang hinala ng publiko na ito ay totoo kung ang pagbabasehan ay ang litratong pinost sa Instagram ni Maja noong Valentine’s Day. Tila kuha ang larawan mula sa isang mataas na lugar (probably from a helicopter).

There was also a photo of Maja and Gerald while they were at Antonio’s ang ipinost sa entertainment blogsite na FashionPulis.com.

Mukhang walang kawala sa birada ng mga intriga sina Maja at Gerald. Nalalaman ng publiko ang kanilang bawat kilos gaano man nila ito itago sa madla dahil sa mga social networking sites. Hindi ba’t ang mga social networking sites ang naging tulay ng publiko para malaman na may namumuong magandang pagtitinginan sa pagitan nilang dalawa dahil sa kanilang mga lumabas na larawan na kuha during their vacation in Misibis Bay in Bicol?

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING