Gerald Anderson, ‘di sigurado sa panliligaw kay Sarah Geronimo?!

SOBRANG PA-SASALAMAT ni Gerald An-derson kay Ben Chan dahil natupad ang pangarap niyang magkaroon ng billboard. “Thankful ako sa kanila, after PBB nakasama ko sila. Natutuwa ako tuwing nakikita ko ang billboard sa EDSA. Now, I have my new family, ang Mint, masaya ako ngayon sa kanila,” simpleng sabi ng binata.

Reason why all of a sudden nag-switch si Gerald sa ibang bagay like charity work? “Asahan ninyo na may mga charity project kami na gagawin ng Mint at saka change sa buhay ko na pagbabago,” dugtong pa niya.

Hindi kaya gusto lang kumalas ni Gerald sa team-up nila ni Kim Chiu sa Bench kaya tinanggap nito ang offer ng Mint? “Hindi maiiwasan, kahit anong paliwanag ko may mag-iisip pa rin nang ganu’n. Siguro kailangang tanggapin ko ‘yun, matagal na akong inaabangan nila kaya sobra akong nagpapasalamat sa kanila at ako ang kinuha nila bilang bagong endorser.”

Sinabi ni Gerald na mami-miss niya ang fashion show ni Ben Chan dahil marami silang artista na rarampa on stage with sexy outfit na naka-topless na inaabangan ng kanyang mga fans. Ibig kayang sabihin ayaw na niyang magpa-sexy on stage? “Tingnan natin in the future. Ayaw ko namang sabihin, never say, never. Kumbaga, sa ngayon it’s since na ganito ang pictorial nila at nagagawa nang maayos. Mayroon silang Fashion Week sa MoA.”

Ikinuwento ni Gerald na magkasama sila ni Jessy Mendiola last Valentine sa taping ng Budoy. “Binati ko siya (mas nauna si Jessy kaysa kay Sarah Geronino nu’ng Valentine),hanggang madaling-araw ang taping namin kaya nag-abot kami ng Valentine.”

Nilinaw ni Gerald na kahit magkasama sila ni Sarah with the family ng singer, hindi ibig sabihin ay nanliligaw na siya rito. Inamin din ng actor na minsan pumasyal siya sa bahay ng dalaga. “Single siya. Single ako, walang masama du’n. Yes, it’s true, nagpunta ako sa bahay nila, inihatid ko lang ‘yung gift ko. Mataas ang respeto ko sa kanya at sa buong pamilya. Sa ngayon, kinikilala ko pa lang ,” pahayag niya.

Alam natin kung gaano kahigpit sa manliligaw ang Mommy ni Sarah. Nag-abiso o kinusap kaya ni Gerald ang parents ng singer-actress? “Sa ngayon friends kami. ‘Yun po ang pinakamalinaw roon. Kung sakaling magkaroon uli ng opportunity na lalabas kami, walang masama, ‘di ba?”

Anong mayroon si Gerald na pinapayagan ni Mommy Divine lumabas sila ni Sarah kasama ang pamilya ng dalaga? “Siguro, hindi ako ang dapat tanungin n’yan. I’m really happy, binibigyan nila ako ng opportunity na makasama ko si Sarah, okay na po ‘yun.”

Sa isang interview, sinabi ni Sarah, magiging masaya siya kung magkakaroon ng karelasyon si Gerald. Ang tinutukoy kaya ng singer-actress ay si Jessy Mendiola?  “Like I’ve said, it shows na friends talaga kami. Ganu’n din ako para sa kanya. Kumbaga, gusto rin nating maging masaya siya. Okay na po ‘yung masaya ako, nakilala ko siya,” aniya.

Paano ka napapasaya ni Sarah? “‘Yung bonding moment kapag magkasama kami. ‘Yung ugali niya. ‘Yung pagkatao niya.”

Diretsong tanong namin kay Gerald kung niligawan o liligawan pa lang niya si Sarah? “Tingnan natin, huwag po tayong magmadali,” matipid na sagot ng binata.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleAhron Villena does the ‘Promoted’
Next articleMula sa eskandalong nilikha ni DJ Mo Twister Rhian Ramos, naka-recover na!

No posts to display