Gerald Anderson, ayaw nang may ka-loveteam

ADVERTISING

Gerald Anderson, ayaw nang may ka-loveteam

Gerald Anderson, ayaw nang may ka-loveteamMAGKAPAREHA LANG naman sina Gerald Anderson at Cristine Reyes sa bagong teleseryeng ipinagmamalaki ng ABS-CBN, ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Pero hindi dapat maging kaba na baka maapektuhan ang kanilang pagsasama dahil sa biglang pag-amin ni Derek Ramsay na sinagot na siya ng nakababatang kapatid ni Ara Mina, kaya magkarelasyon na sila ngayon. Ang pambenta kasi ng bagong serye ni Gerald ay ang maganda nitong kuwento.

ADVERTISING

Magkaiba naman kasi ang sitwasyon ni Gerald nu’ng mga panahong si Kim Gerald Anderson, ayaw nang may ka-loveteamChiu pa ang kanyang ka-loveteam, dahil sa simula pa lang ay nagpakilig na silang dalawa, na halata naman na sa relasyon mapupunta ang kanilang sweetness, na naging ligawan at nauwi nga sa pagmamahalan at hiwalayan. Napatunayan na kasi sa teleseryeng Budoy na bilang actor, mayroong sariling panghatak si Gerald na hindi kailangang laging may ka-loveteam.

“Iyon naman talaga ang gusto ko rin. Na magtagal ako sa showbiz, at makilalang actor talaga. Nakakatakot din kasi kung may permanente kang kapareha. Baka kasi laging hanapin na kayo ang magkasama. Minsan daw kasi, kapag magka-loveteam at nagkahiwalay, baka isa sa kanila ang mawala. Huwag naman sana, kasi mahal ko ang career ko, seryoso ako sa trabaho ko,” wika ni Gerald

 

ADVERTISING

Claudine, parang naghihiganti kay Raymart

 

ISANG MALAKING palaisipan pa rin sa mga taga-showbiz kung bakit parang naghihiganti si Claudine Barretto sa kanyang husband na si Raymart Santiago. Mahabang panahon man kasing nagkaroon sila ng problema sa kanilang relasyon, sobrang naging napakadamot dati ng utol ni Randy Santiago na magkuwento tungkol sa kanyang wife. Kabaligtaran talaga ngayon ng mga ginagawa ni Claudine, na maingay ang kanyang paglaban sa ama ng kanilang anak na si Santino.

Apektado na talaga ang buong angkan nina Raymart dahil sa iskandalong nangyayari ngayon. Maging ang kanilang mga kaibigan ay nagugulat na rin sa ingay ng mga pangyayari, dahil parang isang malaking pasabog talaga ng gulo ang nasa dulo ng kuwentong ito. Sumuporta na rin ngayon ang mga magulang ni Claudine, kaya hindi na rin pagtatakhan kung sa mga darating na araw ay angkan na rin ni Raymart ang magsalita para ipagtanggol ang dating action star.

Malalim na tao si Raymart. Mahirap din siyang basahin. Naisampa na ni Claudine ang ilang kaso laban sa kanya, kaya pareho na lang dapat tumigil sa pagbabanta sa isa’t isa ang mag-asawa. Maglabasan na sila ng kanilang mga baraha para magkaalaman na kung sino talaga sa kanilang dalawa ang nagsasabi ng totoo. Hindi natin sila nakikita habang magkasama sa loob ng kanilang tahanan, maging kung ano ang mga tunay na pangyayari na kailangan na talagang malantad, dahil nakakaumay at nakakabingi na ang kanilang patutsadahan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING