Gerald Anderson, ayaw kumpirmahin ang dahilan ng hiwalayan nila ni Maja Salvador

Gerald Anderson, ayaw kumpirmahin ang dahilan ng hiwalayan nila ni Maja Salvador

Gerald-AndersonHANDA NAMAN pala si Gerald Anderson na sagutin ang isyu tungkol sa kanila ni Maja Salvador kung may nagtanong sa kanyang press during the open forum sa presscon ng Nathaniel held last Tuesday. ‘Yon nga lang, walang nag-dare na itanong ito sa kanya.

Sa one-on-one interview kay Gerald ng ilang press ay do’n lang niya kinumpirma na totoo ngang break na sila ni Maja. Pero nakiusap ang binata na igalang muna ang kanilang privacy tungkol sa nangyari dahil hindi raw madali ang kanilang pinagdaraanan.

Ayaw rin niyang kumpirmahin na ang pagiging busy nila pareho sa trabaho — siya ay nagti-taping for Nathaniel at si Maja for Bridges of Love — ang dahilan kung bakit nawalan sila ng time para sa isa’t isa.

Kahit daw hiwalay na silang dalawa, nagkakausap pa rin sila at magkaibigan pa rin naman. Mutual decision daw nilang dalawa ang paghihiwalay. Kung may chance na magbalikan ulit sila, wala munang sinabi si Gerald.

Samantala, Gerald will play the role of Paul Laxamana in Nathaniel at kapareha niya rito sa kauna-unahang pagkakataon si Shaina Magdayao. Si Marco Masa naman ang gaganap bilang Nathaniel. Magsisimula na ang serye sa April 20 sa ABS-CBN Primetime Bida.

La Boka
by Leo Bukas