Gerald Anderson at Sarah Geronimo, hanggang friends na lang talaga!

ADVERTISING

Gerald Anderson at Sarah Geronimo, hanggang friends na lang talaga!

Gerald Anderson at Sarah Geronimo, hanggang friends na lang talaga!GERALD ANDERSON finally said his piece about rumors that he’s stopped courting Sarah Geronimo, something which we have reported about two months ago.

Sabi ni Gerald sa 2012 Star Magic Ball, nag-decide sila ni Sarah na maging magkaibigan na lang. He wouldn’t get into details as to why he stopped wooing the singer-actress but it can easily be deduced that he felt enormous pressure from Sarah’s mom, Mommy Divine, kaya siya huminto na sa panliligaw sa dalaga.

Sa isang event nga for a fastfood chain kung saan sila magkasama ay careful na careful si Gerald sa pagsasalita. Marami rin ang kinilig nang muling magkasama ang dalawa sa isang event ng pawnshop pero mas higit ang kilig ni Sarah when she sang a duet with him.

 

ADVERTISING

MAGKAKAROON NA ng anak na twins si Joel Cruz ng Aficionado Germany Perfume.

Prince and Princess ang napipisil niyang ipangalan sa kanyang magi-ging anak na bunga ng pagkuha niya ng surrogate mother na Russian.

“Gusto ko may second name. Dapat magandang pakinggan, maybe one syllable lang… or maybe Duke or Duchess, parang ganon. Hahanap siguro ako ng biblical word for a second name. Meron akong book about biblical names. Meron doong gift of God,” kuwento ni Joel while preparing for a shoot sa kanyang mala-palasyong rest house sa Canyon Woods sa Tagaytay.

Sa September 22 nakatakdang magsilang ang surrogate mother pero naka-confine sa hospital para hindi na ito mahirapan sa kanyang panganganak.

After birth, the babies will stay for a month sa Russia kasi hindi pa sila puwedeng isakay sa eroplano.

Sabi ni Joel, hindi pa siya decided kung isang buwan siyang mag-i-stay sa Russia to see his babies.

“Hindi ko pa masasabi sa ngayon, kasi ang plano ko, two weeks, pero siyempre first time father kaya hindi ko alam kung hanggang isang buwan ako roon kasi busy rin naman ako sa business ko.”

Kasama niya ang kanyang mother at sisters kapag pumunta siya sa Russia.

Tsika pa ni Joel, nakita na niya ‘yung picture ng surrogate mom.

“She’s 31, meron siyang dalawang anak. Noong six months na buntis siya pinadala ‘yung picture niya kasama ‘yung anak niya, 6 year old daughter and four year old daughter. Yes nakita ko na ‘yung ultra sound pictures, but now we’re waiting for the 3D version.”

At mahal pala ang stay ng surrogate mom sa hospital. It costs Joel P6,000 per day.

“Kailangan,i kasi ayaw nila ng mga mausok,” Joel quipped.

Mahal pala ang baby ni Joel. Imagine, one baby costs almost P7 million, iba pa ‘yung lahat ng expenses ng panganganak.

Magkakaroon pala ng foundation si Joel soon at hindi pa niya sinasabi ang detalye. Iba pa ito sa mga charities na ginagawa niya in the past.

 

BONGGA ANG Star Magic Ball dahil talagang pinaghandaan ng mga stars ang event.

Black and white ang theme at easily standout si Kim Chiu sa suot niyang mala-bustier na white gown na may embellishment sa baba nito. Ang cute nilang tingnan ni Xian Lim sa photo nila.

Bea Alonzo was also a stunner in an all-black feathery gown na gawa ni Rajo Laurel. Julia Montes opted for a feathery and stone-studded gown.

Hot na hot pala talaga ang tamba-lan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Tinilian sila nang dumating sila sa ball. Nanalo ang dawala ng Breakout Fashion Award.

Jake Cuenca escorted Tin Patrimonio na anak ni Alvin Patrimonio.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING