Gerald Anderson at Julia Barretto, umaapaw ang sexual tension sa ‘Between Maybes’

“KAYA PALA…”

‘Yan na lang ang nasabi ng kasama namin nang mapanood ang pelikulang ‘Between Maybes’ na ngayo’y available na sa Netflix. Ito ang likha ni Jason Paul Laxamana na pinagbidahan ng Kapamilya stars na sina Gerald Anderson at Julia Barretto. Dito unang nagtambal ang dalawa at naging puno’t dulo ng isa sa pinakamalaking showbiz scandals ng 2019.

Gerald Anderson at Julia Barretto, umaapaw ang sexual tension sa 'Between Maybes'
Gerald Anderson and Julia Barretto

Ipinalabas sa mga sinehan ang ‘Between Maybes’ noong May 2019. Hindi man ito maituturing na ‘box-office hit’ ikumpara sa previous movie projects ng dalawa with their respective onscreen partners, napansin naman ng mga nakapanood na iba ang chemistry ng dalawa sa pelikula na kinunan sa Saga Prefecture sa Japan. Quaint and lovely place. Kayo-kayo lang ang nasa location. Malamig ang klima. Perfect scenery to fall in love, right?

Ilang buwan pagkatapos ng nationwide screening ng pelikula na ang nagdaan nang pumutok ang isyung ni-ghosting diumano ni Gerald ang noo’y girlfriend na si Bea Alonzo. Bigla na lang nito hindi kinausap ang girlfriend. Si Julia Barretto ang tinurong bagong babae sa buhay ni Gerald at nananatiling tahimik sina Gerald at Julia rito.

By that time, cleared na sa mga tao na hiwalay na sina Julia Barretto at noo’y onscreen/offscreen partner na si Joshua Garcia.

Recently ay nagspark muli ang interes ng mga tao kina Gerald at Julia dahil mas napanood na ng nakararami ang ‘Between Maybes’ sa Netflix. Ramdam mo ang sexual tension sa dalawa at lalo pang bumongga ang kilig dahil hinalikan mismo ni Julia si Gerald sa kanilang eksena. ‘Yun ang first onscreen kiss ni Julia. Special, ‘di ba?

Gerald Anderson at Julia Barretto, umaapaw ang sexual tension sa 'Between Maybes'
Gerald Anderson and Julia Barretto

Kamakailan lang ay natsikang naispatan diumano si Julia sa resort ni Gerald sa Zambales. Nar’yan din ang latest hiking trip sa Rizal diumano ni Julia with Gerald and his brother Ken. Tinag din ng dalawa ang isa’t isa sa Instagram para i-promote ang pagpapalabas ng ‘Between Maybes’ sa pinakamalaking video streaming site ng mundo.

Ang tanong: Kailan ba sila aamin na sila na nga? Sa totoo lang, they’re free to admit it lalo pa’t nasa ibang management company na si Julia at hindi na rin ito nakatali sa loveteam nila ni Joshua. We would love to see these two on the big screen again lalo na’t open ending naman ang last scene ng pelikula.

Direk Jason Paul, beke nemen?!?