Gerald Anderson at Edgar Allan Guzman, out sa 2013?!

ADVERTISING

Gerald Anderson at Edgar Allan Guzman, out sa 2013?!

Gerald Anderson at Edgar Allan Guzman, out sa 2013?!NAGULAT NAMAN kami sa kuwento ng aming very reliable source na bago magtapos daw ang taong 2012, nagkaroon ng pagpapatawag ang isang big boss ng isang network sa lahat ng mga talent nila na nakakontrata sa kanila nang matagal-tagal na panahon pa.

ADVERTISING

Gusto kasing protektahan ng management ang kanilang contract stars kung kaya naman kung anumang merong ikasisira ang kanilang stars, madali nilang maayos ang gusot o problema.

Ang ikinalokah ng aming source, isang young actor ang napaamin na siya ay isang bading. Nang tanungin siya kung siya ay isang gay, hindi ito sumagot. Walang yes, walang no na sagot.

Sabi pa, nag-no comment at tumango raw ang young actor at nagkibit-balikat lang.

ADVERTISING

So ‘yun na. At alam na ng team ng production kung ano ang gender ng young actor.

O knows n’yo ba kung sinex siya? Sayang na sayang siya, ‘no!

Pero sana tumagal pa siya sa industriya, sayang na sayang talaga.

Lima yata ang nakuwestiyon, pero siya itong hindi pumalag sa tanong.

 

Gerald Anderson at Edgar Allan Guzman, out sa 2013?!DECEMBER 31 at January 1 ay dalawang araw na nag-guest sa amin ang manghuhula na nagngangalang Sammy Verbo sa aming radio program na Wow Ang Showbiz sa DWIZ 882 khz. Marami siyang mga malalaking  bituin na  hinulaan sa pamamagitan ng tarot cards.

Unang-una na nga si Judy Ann Santos na mahihirapan nga raw na magbuntis sa taong ito.

Si Ms. Sharon Cuneta naman daw ay sa kalagitnaan ng taon ay may isang kapamilya na may edad na ang malamang na maging problema niya dahil sa isang karamdaman. Pero patuloy ang kanyang pamamayagpag sa showbiz at patuloy ang kanyang suporta sa kanyang asawang senador.

Kay Ai-Ai delas Alas naman ay mag-ingat sa pagpili ng proyekto dahil nga baka siya ay masilat. Ito’y ikabababa ng kanyang career. May isang lalaking artista raw na laos na ipa-partner sa kanya at ‘yun ang makasisira sa takbo ng kanyang karera.

Kay Vilma Santos, diretso sa pagiging gobernador. Patuloy ang pag-angat at kung tatakbo sa mas mataas sa governor ay dapat lang daw na hanggang senador lamang, dahil ‘yun ang tiyak na wagi.

Taon ni Nora Aunor ang 2013. May isang malaking-malaking project na darating pa. At ito ang pinakabonggang project niya. Malaking-malaking artista rin ang kanyang makakasama sa nasabing project. Kasing laki daw niyang artista…

Ang out sa kanya sa taong 2013 ay si Edgar Allan Guzman kung magiging matigas ang ulo nito at hindi susunod sa kanyang mga adviser. Out din daw si Gerald Anderson.

Si Ms. Maricel Soriano, makahanahap daw ng bagong pag-ibig  at nasa showbiz ang lalaki.

Sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay patuloy ang pagmamahalan sa isa’t isa. Tunay raw ang kanilang pagmamahalan. May proyektong ibibigay raw kay Marian na magtataas sa kanya bilang isang artista.

Ang tatlong istasyon daw ay patuloy na aangat, ang GMA 7, ABS-CBN 2 at TV 5.

By Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING