Gerald Anderson at Bea Alonzo, pinagtatawanan na lang kanilang dating relasyon

ADVERTISING

Gerald Anderson at Bea Alonzo, pinagtatawanan na lang kanilang dating relasyon

Gerald Anderson & Bea Alonzo
Gerald Anderson & Bea Alonzo

Pinagtatawanan na lang ngayon nina Bea Alonzo at Gerald Anderson na first time na nagkasama sa pelikulang “How To Be Yours” ang tungkol sa kanilang past o nakaraan.

“The mere fact na napag-uusapan namin siya, tapos ngayon you can just joke about it, napagtatawanan na lang namin ito, ibig sabihin wala na ‘yon. Wala nang bitter feelings, it’s actually so funny for us right now to talk about it.

“Kasi dati parang ang bigat-bigat niya. ‘Yon pala, ‘pag ngayon when you look back parang, ‘Ah, bakit natin masyadong sineryoso ‘yung buhay natin? We were too young, dapat nag-enjoy lang tayo,’” sabi ni Bea Alonzo.

Nagkaroon ba sila nang maayos na closure ni Gerald Anderson?

ADVERTISING

“Siguro… through time nagkaroon kami ng closure. Kasi nu’ng time na ‘yon, siyempre parang hindi ganu’n… If I remember it it right, parang hindi ganu’n kalinaw because it was just a short relationship.

“So parang, siguro at least sa parte ko, I’m speaking for myself, of course parang naisip ko na sana mas marami pa akong na-discover sa kanya. To tell you honestly, hindi nga namin napagdaanan ‘yung struggles ng relasyon kasi maigsi lang ‘yung sa amin.

“But when I look back, parang gusto kong balikan ‘yung time na you were together, ‘yon ‘yung ako na carefree, I was young… he will always remind me of the time when I was care free,” she said.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING