Gerald Anderson, aminadong nag-e-enjoy kasama si Maja Salvador!

ADVERTISING

Gerald Anderson, aminadong nag-e-enjoy kasama si Maja Salvador!

Gerald Anderson, aminadong nag-e-enjoy kasama si Maja Salvador!

ADVERTISING

IT WAS Gerald Anderson’s turn to give his side of the story regarding his alleged romance with Maja Salvador on The Buzz last Sunday, January 13. Pinaghihinalaan na may namumuong magandang pagtitinginan sa pagitan nilang dalawa because they were recently spotted in Misibis Bay, Albay kung saan ginanap ang bridal shower ng pinsan ni Maja.

Inamin ni Gerald na totoo ang mga litratong lumabas sa Instagram. Pinatotohanan din niya ang kuwento ni Maja kung ano talaga ang nangyari bago ang kanilang bakasyon sa Misibis. “May isang beses na nag-usap kami ni Maja sa isang trip to Davao. We were doing a promo for 24/7. Tinanong ko siya kung ano iyong magagandang vacation spots na p’wedeng puntahan. Sinabi niya iyong Misibis Bay. Then binanggit niya na pupunta siya kasama iyong mga pinsan niya. She’s going dahil bridal shower. Sabi ko, ‘Kailan? I’ll get a group of my friends para marami tayo. We can all go.’ Naayos na, so after ng vacation ko kasama ng pamilya ko, we all went there,” paliwanag ni Gerald. He was in Misibis together with his brother and friends.

How does he find Maja? “Masaya siyang kasama. Charming, mabait. Nag-e-enjoy akong kasama siya. Anong masama kung yayain ko siya na lumabas or anong masama kung p’wede kaming magkaroon ng pagkakataon para mas makilala ang isa’t isa?” Gerald said the whole thing got blown out of proportion even before they really start dating.

ADVERTISING

Gerald Anderson, aminadong nag-e-enjoy kasama si Maja Salvador!Tinanong ko si Gerald during the interview kung nililigawan ba niya si Maja. “I love to kung bibigyan niya ako ng chance,” diretsa niyang sagot. Nagpasintabi nga ba si Maja sa kaibigan niyang si Kim Chiu na dating girlfriend ni Gerald? Hindi raw niya makukumpirma ito at si Maja na lang ang tanungin tungkol dito.

Sinabi ni Gerald na magta-tatlong taon na silang hiwalay ni Kim at masaya siya sa lahat ng tagumpay na tinatamo nito ngayon. Nagkaroon daw sila ng tamang closure ni Kim.

Isa sa mga nakakaintriga at malamang pahayag ni Kim during the presscon of Ina, Kapatid, Anak Book 2 ay ang sinabi niyang, “I don’t care about them because Maja knows who Gerald is.” Sinabi ni Gerald na lahat ng tao ay may kanya-kanyang opinyon at karapatan ng bawat isa na sabihin kung ano ang gusto niyang iparating sa mga tao. Opinyon daw ito ni Kim at wala siyang magagawa tungkol dito.

Gerald believes that everything will be solved one day depending on the maturity of those involved. “We have to face this like adults. Hindi na po kami mga bata. We make decisions everyday and we have to face the consequences like adults.”

Pero sa kabila ng mga intrigang patuloy na ipinupukol sa kanya kaliwa’t kanan ay hindi raw siya mapipigilan sa kanyang panliligaw kay Maja kung bibigyan siya ng pagkakataon.

“Siguro ‘pag nahanap ko iyong tunay na happiness is when you forget about all the opinions of different people na hindi mo naman kilala and you just have to stay strong and pray.”

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING