Georgina Wilson, tinawag na laos ng nilayasang manager

Georgina Wilson, tinawag na laos ng nilayasang manager

Georgina-WilsonKIYAW-KIYAW NANG kiyaw-kiyaw si Shirley Kuan dahil nilayasan siya ni Georgina Wilson. Obviously bitter, tinawag ni Shirley na Was Girl imbes na It Girl si Georgina sa isang recent interview. Talagang gigil na gigil pa rin siya sa kanyang former ward dahil sa pambabastos nito sa kanya.

Eh, kumusta naman si Shirley? Hindi ba’t parang binastos na rin niya ang magaling na writer na si Arnel Ramos nang harangin niya ang pagdalo nito sa isang event for Maricel Soriano na binuo ng solid Maricel Soriano fans noong 2012?

Ang sabi ni Girlie Rodis, kapwa talent manager ni Shirley, hindi raw kilala ni Shirley si Arnel at natatakot siyang malaman na naimbitahan si Arnel pero hindi ang kanyang mga kaibigan sa press.

Matapos harangin si Arnel ay biglang kambiyo si Shirley, puwede na raw um-attend ang writer provides siya lang at hindi na niya isasama ang writer-friend niyang si Ces Evangelista.

Kung hawak pa ni Shirley si Georgina ay tiyak na magagalit ang talent manager kapag tinawag na Was Girl ang alaga niya. Ngayong magkaaway sila, siya pa mismo ang nagsasabing laos na ang kanyang former ward.

There simply is logic in how things are done and how words are used!!!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas