Georgina Wilson, personal na magso-sorry kay Nora Aunor!

ADVERTISING

Georgina Wilson, personal na magso-sorry kay Nora Aunor!

Georgina Wilson, personal na magso-sorry kay Nora Aunor!MAY BALITANG naka-rating sa amin na gusto raw personal na humingi ng sorry ni Georgina Wilson sa Superstar na si Nora Aunor matapos na lumabas ang larawan ng beteranang aktres na nakapatong sa seksing katawan ng ramp model. Last week kasi ay nakausap ng Pinoy Parazzi si Mama Guy sa presscon ng El Presidente, kung saan ay tahasang sinabi ng Superstar na hindi niya ikinatuwa ang lumabas na larawan niya dahil ang feeling niya ay hindi iyon pagrespeto sa kanyang kapwa.

“Kung saan siya maligaya, hayaaan na lang natin siya,” pahayag ni Mama Guy, kung saan ay nakonsensiya raw ang  kasintahan ni Borgy Manotoc.

“Actually, mabait naman si Georgina. Nagkataon lang na may taong pinaglaruan sila ni Mama Guy?” sabi ng taong nakausap namin.

Wala raw dahilan para saktan ni Georgina ang kalooban ni Mama Guy at ang mga fans nito.

ADVERTISING

“Feeling ko, si Mama Guy at Georgina ay parehong biktima sa isyung ito,” sabi pa ng aming kausap.

Sa kabilang banda, sinabi naman ng Superstar na walang dahilan para palakihin pa ang issue dahil naniniwala siya na mas masarap ang feeling ng maraming kaibigan kesa sa kaaway.

“Sana tigilan na natin ang mga intriga. Ang importante ngayon ay magkasundo-sundo  tayong lahat,” sabi pa ng nag-iisang Superstar sa kanyang pagwawakas.

Sa kabilang banda, marami ang natutuwa sa nangyayari kay Mama Guy, dahil ang mga taong nakasamaan ng loob ng aktres ay isa-isa na ring nagbabalikan sa nag-iisang international actress.

“Ang hiling ko lang sana, mabigyang-pansin ng ating pamahalan ang ating mga ginagawang pelikula, para naman higit na makakuha tayo ng attention at maraming recognition sa ibang bansa.”

Matapos mabigyang-parangal ang pelikulang Thy Womb ng  isang grupo ng mga Italiano sa Venice, nakatakdang dalhin uli ni Direktor Brilliante Mendoza ang pelikula ni Mama Guy sa iba’t ibang bansa dahil malaki ang paniniwala nito na isang obra maestra na pang buong mundo ang Thy Womb. Tsuk!

 

AFTER TWO days sa Singapore, dumating na si Derek Ramsay dala ang magandang balita para sa bansang Pilipinas, kung saan ay nakuha ng Smart Philippine Team ang tropeo para sa championship sa larong frisbee.

Georgina Wilson, personal na magso-sorry kay Nora Aunor!

“Siyempre masaya tayo, kasi tayo ang nag-number one sa event na iyon. Last year, ang nanalo ay Japan and from Japan, tayo ngayon ang depending champion,” pahayag ni Derek na nagsabi pa ring nahirapan ang kanilang koponan para makuha ang nasabing karangalan. Pero gaano man kahirap ang laban ay ibinigay nila ang kanilang the best, ang in the end ay nagsigawan silang lahat, dahil naiuwi nila sa ating bansa ang malaking karangalan.

Sa November, nakatakdang gawin sa ating bansa ang international frisbee, kung saan ay pinag-iisipan pa ni Derek kung siya ay muling maglalaro.

“Kasi ang ipinangako ko sa aking sarili ay hindi na muna ako maglalaro. Pero ewan ko pa rin,” nakangiting sabi ng aktor.

Sa kabuuan, sinabi ni Derek na matagal na niyang gustong tumigil sa paglalaro, kaya lang ay may kung anong enerhiya ang humihigop sa kanya para kahit gaano pa kasakit ang kanyang katawan ay sige pa rin siya sa paglalaro.

“Hinahanap kasi ng katawan ko ang paglalaro, nasanay na ako sa ganitong gawain,” pagwawakas pa ni Derek sa Pinoy Parazzi.

 

SPEAKING OF winner, kamakailan ay idinaos ang “Olive-C Campus Model Search”, kung saan itinanghal na grand winner sa male division si Butch Ramos ng Pan-Pacific University North Philippines – Urdaneta dahil sa angking talino nito at  kakaibang karisma, habang si Allyssa Ashlely Calimlim naman ng Saint Louis University – Baguio ang nagwaging “Miss Olive-C – Northern Luzon. Mainit ang ginawang pagtanggap ng mga taga-Pangasinan sa nasabing competition.

“Abangan ang grand finals sa January 26, 2013 dahil tiyak na mahigpitang laban ito,” sabi ni Mr. Jimmy Acosta, ang over all chairman ng nasabing timpalak-pagandahan at nagmamay-ari ng produktong Olive-C at Placenta.

Pero teka, totoo bang hindi na si Melannie Marquez ang reyna ng Placenta dahil papalitan na ito ng isa pang beauty queen? Pakisagot kami, Jim. Tsuk!

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING