Georgina Wilson, napapahamak dahil sa kamalditahan

ADVERTISING

Georgina Wilson, napapahamak dahil sa kamalditahan

Georgina Wilson, napapahamak dahil sa kamalditahanBILANG BABAE na sosyalera ay may kakaibang angas si Georgina Wilson, kaya siya mismo ang napapahamak sa kanyang kamalditahan. Hindi siya marunong pumili ng kung sino ang mga taga-showbiz na kanyang pagti-tripan. Bukod kina dating Pangulong Joseph Estrada at Ryzza Mae Dizon, inokray din niya si Nora Aunor, at nagkamit na siya ng maraming panlalait dahil doon. Pero hindi pa rin siya nadala at nasundan pa iyon ng iba niyang pang-ookray.

ADVERTISING

Talaga naman yatang okrayera si Georgina, dahil nu’ng minsang mag-guest sila ni Liz Uy sa programang Kris TV ng ABS-CBN, nagkataon din na guest sa programa si Ethel Booba. Sa kanilang tsikahan kasama si Kris Aquino, mayroong naitanong kay Ethel na salitang English na hindi kaagad nasagot ng komedyana. Aba, nag-side comment ba naman sina Georgina at Liz ng “Hindi niya naiintindihan” patungkol kay Ethel. Buti na lang, hindi sila masyadong ipinapakita ng camera sa TV screen habang ginaganu’n nila si Ethel.

Helloo! Si Ethel pa, samantalang kaya niya ang mga ganu’ng dating. Kapag nag-English ka at hindi talaga alam ni Ethel, bubuweltahan ka niyan ng: “Ano ‘yon, huh?” Ang punto rito, hindi dapat sobrang mayabang ang Georgina na ‘yan, dahil kahit sosyal at napakaganda ng hitsura niya ay hindi naman nagmamarka ang pangalan niya sa showbiz. Modelo lang siya, na nadikit ang pangalan sa mabait na anak ni Congresswoman Aimee Marcos na si Borgy Manotoc.

 

ADVERTISING

KUNG TALAGANG mahal ni Ai-Ai delas Alas ang kanyang mga anak na laging ipinaglalaban, tungkol sa isyu nila ng nakahiwalayan niyang mister na si Jed Salang, ay dapat na siyang magpreno at magsimulang huminto na magbigay pa ng maraming kuwento tungkol sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay, dahil kasiraan ng pagkatao ni Mr. Salang ang naipapangalandakan dito. Hindi naman kasi siya showbiz, kaya baka magkabiglaan na lang silang dalawa ulit.

Hindi puwedeng hindi madamay o sobrang maapektuhan ang mga anak ni Ai-Ai, dahil sikat ang kanilang mommy. Hindi na nakaaaliw ‘yung pasabog na sex maniac ang sikat na komedyana. Sa totoo lang, napakadaling gawan ng biru-biruan iyan para maging katatawanan at ang mga anak ni Ai-Ai ay maging biktima ng mga kantiyawan at sobrang pagtawanan.

Ang daming lumabas na kuwento tungkol sa hindi magandang pagkatao diumano ni Jed, pero ‘yung pambuwelta na ang komedyana ay sobrang mahilig sa sex, nakakawindang ‘yon, huh!

Kaawa-awa naman kapag nagkataon ang mga anak ni Ai-Ai. Nagsisimula na kasi, dahil mayroon nang mga malalapit na taong nakakakilala kay Jed, na siyempre’y ipinagtatanggol si Jed dahil sa mga naunang naglabasang panalalait sa kanyang pagkatao dahil sa mga naunang binitiwang pahayag ni Ai-Ai tungkol sa kanilang paghihiwalay. Hindi natin alam ang laman at takbo ng isip ni Jed, kaya tigilan na dapat ni Ai-Ai ang pagsasalita, dahil nadudurog din niya ang pagkatao ni Mr. Salang.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING