Georgina Wilson, banned sa PAMI?

Georgina Wilson, banned sa PAMI?

Georgina-WilsonHOW TRUE ang tsikang nasagap namin na nagdesisyon daw ang PAMI, samahan ng mga talent managers, na hindi puwedeng makatrabaho ng kanilang mga alagang artista itong si Geogina Wilson.

Balitang may reklamo daw na natanggap ang manager ni Georgina sa mga naging project nito kamakailan lang sa pagiging late. Ang nakakalokah, hindi raw alam ni Manager na si Shirley Kuan ang project na inirereklamo na tinanggap ni Georgina.

Yes! Mortal sin pa naman sa showbiz ang nagba-bypass, tumatakas, at ‘di nagpaalam na may project silang tinatanggap.

Kapag nagbulilyaso, si Manager ang puputukan.

Open ang espasyo ng kolum na ito sa side ng ating bida sa ating item.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!