Geoff Eigenmann, sanay na walang lovelife

Geoff Eigenmann, sanay na walang lovelife

Geoff-EigenmannAYON KAY Geoff Eigenmann, magmula raw nang maghiwalay sila ni Carla Abellana ay hindi na siya nagkaroon muli ng girlfriend kaya mag-isa lang niyang ipinagdiwang ang Araw ng mga Puso. Hindi naman daw siya naghahanap at hihintayin na lang daw niya kung may dumating.

When asked kung hindi ba malungkot ang walang lovelife?

“Okey naman. Sa totoo lang, sanay akong mag-isa. Kasi growing up ay hindi naman ako laging in a relationship. And usually, hindi naman nagtatagal, so lagi akong may time in between. Sanay ako,” say ni Geoff na kapansin-pansin ang pagpayat na bumagay naman sa kanya.

Ayon pa kay Geoff, wala na raw silang communication ni Carla at hindi rin sila nagkakasalubong or nagkikita ng landas.

When asked kung bigyan sila ng project ng GMA 7 na magkasama?

“I doubt it, I doubt it. I doubt GMA will do that knowing what happened. Not anytime soon,” say pa ni Geoff.

Matatandaang naging controversial ang dalawa dahil sa tweet ni Carla na inihahalintulad niya si Geoff sa demonyo last year. Ngayon ay medyo tahimik na ang lahat sa kanila.
PERSONAL: SALAMAT sa GMA 7 na laging una nakaaalalang magbigay ng regalo sa aming kaarawan. Sa Saturday, Feb 28, pa ang eksaktong kaarawan namin. Salamat din kay Sharon Cuneta na taun-taon ay hindi nakalilimot magpadala ng Valentine gift.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo