Geoff Eigenmann, may bago nang inspirasyon

Geoff-EigenmannNGAYONG HINDI na bagets si Geoff Eigenmann, nagbago na talaga siya kumpara nu’ng nasa ABS-CBN pa lang siya. Noon kasi, sobrang makuwento siya kapag iniinterbyu. Ugali na nakuha niya sa kanyang mommy na si Direk Gina Alajar, kung paanong ang daddy naman din niyang si Michael de Mesa ay napakadiretsong kausap. Kaya nga, nakapaninibago na sobrang naging tahimik ang guwapong actor pagkatapos ng hiwalayan nila ni Carla Abellana.

Oo naman. Mas maingay nga ang usapan na nag-e-entertain na kaagad si Carla ng mga manliligaw habang nasa kainitan pa ang isyu ng hiwalayan nila ni Geoff, at sobrang naipangalandakan nga kaagad ang naging closeness nila ni Tom Rodriguez. Pero si Geoff, nanahimik na lang muna. Una sa lahat, masakit din naman talaga para sa kanya ang nangyaring hiwalayan nila ng anak ni Rey PJ Abellana, dahil sobrang niyang minahal ang magandang Kapuso star.

Pero iyong mga pananahimik ni Geoff ay tapos na, dahil nagiging makulay na naman ang kanyang lovelife. Hindi pa naipangangalandakan, pero si Direk Gina ang sobrang happy ngayon para sa kanyang anak, dahil mayroon na raw bagong inspirasyon si Geoff. Bilang mommy, sobrang nalungkot din si Alajar habang nakikita at nararamdaman niya na malungkot ang kanyang anak. Alam niya kasi na malalim kung magmahal ang anak nila ni Michael.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleCarlos Morales, priority ngayon ang pagdi-direk ng pelikula
Next articleKC Concepcion, ayaw magpakahon

No posts to display