Generation 6 Dancers, handa nang humataw sa P-Pop Boy Groups On Tour

Generation 6 Dancers, handa nang humataw sa P-Pop Boy Groups On Tour

Generation 6 Dancers
Generation 6 Dancers

Unti-unti na ngang nakikilala sa larangan ng hatawan sa dance floor ang mga guwapitong bagets na miyembro ng Generation 6 na sunud-sunod ang shows.

Makasasama ang Generation 6 sa darating na P-Pop Boy Groups On Tour na magaganap sa May 28, 4 p.m. sa Starmall Las Piñas at magpapakita ng kanilang hataw at unique moves sa dance floor.
Pakaabangan nga raw ang inihanda nilang production number na talaga naman daw magapapakilig sa kanilang mga babae at bading na fans.
Ang Generation 6 ay binubuo nina JB Romel Frial – 17, Carl Justine Cahile – 16, Mark Gonzales – 17, Mico delos Reyes – 16, ang Internet Sensation na si John Bryan “JB” Paguio – 16, at Kevin Andre del Rosario – 15. Si Patrick James Santiago ang kanilang masipag na choreographer.

John’s Point
by John Fontanilla